Sorry for not updating you immediately. Nilibang ko lang yung sarili ko kasi antamlay ng aso ko. Hindi siya masyadong maganang kumain saka nagsusuka haha. Kaya ayun, pinakain na namin ng asukal. Mamayang mga bandang 4PM, papalakarin ko naman yung isang aso. Di bale na talagang matakaw ang aso, wag lang yung ganitong matamlay. Kanina inuutusan ko yung kapatid ko na I-force feed yung aso kasi kumakain ako tapos ang lagi niyang sinasabi "Puro ka utos, di kaya ikaw ang gumawa." Tapos ang dadahilan niya kanina, nag-lo-lock raw siya ng pinto pede niya naman gawin after. Gusto niya kasi wala na siyang gawin sa mundo eh, hihingi at kakain na lang. Alam niyo guys, nuknukan ng tamad yon haha ayaw pang mautusan haha. Sumasamba pa kuno eh nuknukan naman ng sama nang ugali. Ayaw paduga non sa totoo lang haha minumura pa at nagsasabi pa ng insult words sa akin yon eh lalo na pag wala si mama. Di ko na lang sasabihin haha, pero form niya yon ng pang-asar niya. He thought it is funny though. Hindi ko na lang pinapansin, di lang siya makasagot kapag nandito si Papa. Di na nadala na pinagsusuntok siya nung last na punta niya. Nabibiwisit talaga ako don kaya sinasadya ko talagang lakasan yung boses ko kapag sinasagot ko siya para marinig ng kapitbahay kung gano siya katamad at walang modo eh. Di nadadala eh, yan yata natututunan niya sa paglalaro. Time to interact here, napuno na naman yung free tips ko di nadidistribute sa good quality posts.
2 comments
Hahahah kaya pala may narinig akong nagliliparang mga bote at pinggan kanina
My Ganyan tlaga kesa mag away kayo ehh ikaw na mas nakakaintndi Ang mAg paraya kapatd mo pa Rin kasi sya