Plan Check... Finally, I found my ppl. So last time, nakuwento ko na balak kong tanggapin offer ng Tito ko sa Australia na maging farmer. As long na nakapagtapos ka with any degree, may chance ka na maging farmer. Tinanong ako nung mother ko kung bakit raw ayaw ko yung course ng Tito ko which is Extension Education or Agriculture. Eh ako, wala talaga akong balak since hindi ko naman niche ang agriculture. Feeling ko hindi ko siya ma-e-enjoy, so I decided to puruse the course na alam kong mahirap pero makakaya ko naman. If naging contented na ako sa magiging salary ko with the job suitable in my course, eh di maganda. Sa totoo lang, wala naman talagang madaling course. However, may iba-ibang level yan na di puwede sa lahat. Mas gusto ko lang talaga mag-aral related sa finance since feeling ko hindi masyadong sasama loob. First year pa lang naman ako kaya hindi ko muna iisipin yon.
4 comments
Kaganda sanàng opportunity friend, pero tama ka naman. Mas mabuti talaga na piliin mo yung gusto mong course para di labag sa loob mo ang pag-aaral. Saka, magandang course din yang finance.. pag tapos ka na, paturo naman about sa financial literacy..need ko kasi..chos haha
mukha talaga ako ate pera kaya ko siya kinuha HAHHAHAHAHAHAH
Ayyy hahaha...wag naman mukha, dapat ang mata lang ang nakadollar sign haha
So magtatrabaho ka sa bansa ko? Hahahah