Paasa Lamang Ba O Isa Na Namang Maling Akala?
Magandang gabi sa lahat, Kumusta? Narito ulit ang inyong abang lingkod para sa kanyang artikulo sa gabing ito na base sa kanyang karanasan o dinaranas, lol, ako sa ngayon ay kabilang sa mga empleyadong kasalukuyang walang trabaho dahil sa Pandemyang ito at hindi pa siguro kung kailan ulit babalik sa trabaho, lol, ang buhay po talaga eh parang life lang.
Paasa Lamang Ba O Isa Na Namang Maling Akala?
Yan ang katanungang sa ngayon eh akin pong hinahanapan ng kasagutan, lol.
Ako'y umaasa sa nakaraan na nauwi lamang sa maling akala. Nung panahon ng Boracay Rehabilitation, isa po ako sa umaasa sa ayuda o tulong pinansiyal na ipinangako, nakatanggap nung una ngunit sa kalaunan, iyon ay nauwi lamang sa maling akala at pagkaubos ng aking pasensya, lol.
Masama bang umaasa? Nakakamatay ba talaga ang mag-akala o magkaroon ng maling akala o puro akala?
Paasa lamang ba o isa na namang maling akala? Ngayon, isa ako sa umaasa na sana makatanggap lamang ng kahit konti o maliit na halaga o ayuda dahil nawalan ulit ng trabaho o pagkakakitaan ng dahil sa pandemya.
Maling akala? Totoo bang maraming namamatay sa maling akala? Ako'y hindi naniniwala kasi ako'y buhay at humihinga pa at kadalasan eh puro maling akala lamang ang napapala, lol.
Paasa lamang ba o isa na namang maling akala? Huwag naman sana at humihiling na sana isa ako sa mabigyan at makatanggap ng ayuda dahil mahirap ang walang kinikita at marami ang sa akin ay umaasa.
Paasa lamang ba o isa na namang maling akala? Ang aking katanungan na hiling ay agad mahanapan ng kasagutan kung hindi aking iisipin, ito'y isa na namang maling akala.
Nung nakaraan o kahapon lamang, ako'y nagtungo sa aking dating pinapasukan dahil aking nabalitaan ang ayudang posible ko daw matanggap gayundin ng aking mga kasamahan ngunit ngayon, bakit parang ang bagay na iyon ay magiging isa lamang palang maling akala? Ako ba at sampu ng aking mga kasamahan eh umaasa lamang pala sa maling akala?
Mahirap ang paasa o umaasa dahil sa kalaunan, posible iyong maging isang maling akala at ika'y walang mapapala at posible lamang na lumuha.
Paasa lamang ba o isa na namang maling akala? Ito ba ang aking mapapala dahil ako'y umasa sa maling akala? O ito ang aking mapapala dahil umasa sa ayudang ngayon eh posibleng maglaho na parang bula?
Bakit ako'y hindi nadadala? Bakit ako'y patuloy na umaasa na sa kalaunan eh mauuwi lamang pala sa maling akala? Ako ba talaga eh nakahiligan ng umasa sa mga paasa at puro na lamang maling akala ang aking mapapala?
Thank u to those who gave upvotes po :)