Magandang Gabi sa lahat, Kumusta? Narito po ulit ang inyong abang lingkod para sa kanyang artikulo pagkatapos ng isang araw, magsusulat sa gitna ng kadiliman sa ngayon dahil sa kadahilanang brownout o blackout dito sa amin, kung kailan gabi na, lol, hanggang alas dose daw ng madaling araw, lol, kaya ito, napagdesisyunang magsulat ng kanyang artikulo para sa araw na ito na base sa kanyang karanasan, lol, ipagpaumanhin at unawain ninyo ang pic collage na aking gagamitin/ilalagay dito, lol.
Ito po ang pangunahing at pangalawang larawan para sa aking artikulo sa gabing ito, umaasa sa inyong lubos na pang-unawa hinggil sa bagay na ito, lol, nakahiligan lamang na gumawa ng pic collage sa bawat artikulong aking isinusulat.
Hindi Ko Sukat Akalain
Tama, hindi ko sukat akalain na mangyayari po ang bagay na ito, ni sa hinagap o masamang panaginip, hindi ko inaasahan na ito ay magaganap pero sino nga ba sa atin ang nakakaalam ng mga mangyayari kinabukasan o sa hinaharap? Tanging ang Diyos lamang ang may alam dahil Siya ang naglikha sa ating lahat at sa buong sanlibutan.
Ang mga larawang iyan ay mga eksaminasyon at resibo po ng aking ina. Kinailangan niyang kunin at pagdaan ang mga bagay na iyan para malaman o matukoy ang talagang dahilan o sanhi kung bakit siya nakakaramdam o nakakaranas ng sakit sa kanyang dibdib, kung bakit sumasakit at naninikip ang kanyang dibdib. Medyo may kamahalan ang mga presyo ng mga iyan, laking pasalamat na lamang at siya't isa ng Senior Citizen kaya nakakuha ng diskwento sa mga iyan.
Ayon sa Doktor na tumingin po sa aking ina, minungkahe niya na kailangan daw ng aking ina na sumailalim sa tinatawag nilang ECG para malaman ang punong dahilan o sanhi ng sakit at paninikip ng dibdib na kanyang nararamdaman at nararanasan. Base sa resulta ng nasabing ECG niya, ang puso daw ng aking ina ay barado kaya daw siya nakakaramdam at nakakaranas ng ganung bagay. Ang larawang nasa itaas ang mismong resulta at katibayan na siya ay talagang sumailalim sa ganung eksaminasyon at tumaas lang daw ng kaunti ang kanyang blood sugar at cholesterol kaya pinagbawalan siyang kumain ng mga bawal na pagkain, mamantika, maalat at matatamis na pagkain, kumain lamang daw ng tama, kaya pati ako dito ngayon na walang sakit na nararamdaman eh nahawa't walang nagawa at ngayon eh diyeta na't hindi na din puwede kumain ng sobra, lol.
Ang larawang iyan po ay ang nadagdag na gamot na kailangang inumin dito ng aking ina. Ang mga dati niyang gamot na iniinom ay ang mga sumusunod: Aspirin, Metformin, Losartan, Amlodipine, mga gamot na para sa dugo, sa blood sugar, cholesterol at highblood. Napakaraming gamot na kailangan niyang inumin, ang mainam o maganda lamang ay para sa labinlimang araw lamang ang gamot na Trimetazidine. Ang laking pasasalamat ko na ako'y dalawang beses na nanalo kaya nabili at nabayaran ko ang mga nasa larawan dito. Napakabuti at talagang marunong ang Diyos o Poong Maykapal sa Kalangitan, kaya marapat lamang na Siya ay ating laging purihin. Sa ngayon, medyo maigi na ang pakiramdam dito ng aking ina, hindi na daw ganung masakit o naninikip ang kanyang dibdib pero kailangan parin ng doble ingat para hindi na iyon maulit o muling bumalik.
Hindi ko talaga sukat akalain na aking ina ay makakaranas ng ganung bagay, pakiramdam o sakit, siguro talagang nakatadhana o talagang nakatakda iyong maganap sa kanya. Hanggang dito lamang sa ngayon, sa susunod na kabanata o sa uulitin ulit, lol, magandang gabi ulit sa lahat, bukas ulit, abangan, lol
Humihingi ako ng paumanhin para sa blackout. ito ba ay isang pangkalahatang blackout o bahay mo lamang? napakalungkot na ang iyong ina ay kailangang sumailalim ng gayong sakit sa puso. Ang ibig sabihin ng ECG ay electrocardiogram.
Magandang gabi sa iyo sana gumaling agad ang nanay mo