Magandang gabi sa lahat, ako po ang inyong lingkod na si Bheng, napagdesisyunan ko po na magsulat dito sa sariling lenggwahe o wika ko po ngayong araw at oras na pong ito dahil wala lang po, lol
Ang alak ay isang uri ng nakakalasing na inumin. Ito ay kadalasang makikita o matatagpuan sa anumang uri ng kasiyahan o pagtitipon dito sa aking bansang sinilangan o kahit saang sulok o panig ng mundo, sa aking hinuha. Ito ay nakapagdudulot ng kasiyahan, katuwaan at lakas ng loob at anumang uri ng pakiramdam sa isang tao o indibidwal na iinom o makakainom nito. Ang alak ay may mabuting dulot o epekto sa ating katawan o kalusugan. Ayon sa isang pag-aaral, kailangan ng ating katawan ng alak ngunit dapat ay sakto lang at hindi madalas dahil nakakapagpataas ito ng resistensya ng ating katawan laban sa sakit o anumang uri ng karamdaman. Mayroon itong magandang epekto sa atin ngunit mayroon din itong masamang epekto sa atin.
Mabuti o mainam ang pag-inom ng alak kung may kasiyahan o pagtitipon ngunit dapat sapat o tama lamang dahil masama o hindi mabuti kapag sumobra, ika nga nila, ang lahat ng sobra ay masama o hindi maganda o mbuti.
Ang masamang epekto o dulot ng alak ay ang mga sumusunod:
Pagiging madaldal o maingay
Pag-iiba ng pag-uugali
Pagkakaroon ng tapang o lakas ng loob
Pagiging mapusok
Nagiging matakaw
Pagwawala
Tulad ng aking sinabi o winika, ang sobrang pag-inom ng alak ay hindi maganda o may masamang epekto hindi lamang sa ating katawan kundi sa ating paligid o nasasakupan o tinitirhan, nakikita o napapanood o naririnig natin minsan sa balita o sa radyo na may pinatay dahil sa sobrang kalasingan o pag-inom ng alak. Mainam o mabuti ang pag-inom ngunit dapat ilagay lamang sa tama at huwag dalhin sa utak, kapag alam na nasobrahan na sa pag-inom, huminto na at umuwi sa inyong bahay o tirahan at matulog na lamang ngunit may pagkakataon na ang ibang nakainom ay dumarayo o naghahanap pa ng inom o makakainuman na sa bandang huli ay may hindi magandang resulta o epekto.
Ito po ang aking napiling isulat ngayon dahil sa nakikita ko po dito sa aming lugar o paligid, sa sobra nilang kalasingan, nagwawala, nag-iingay at naghahamon sila ng away o nagbabanta, nag-iiba ng pag-uugali o tumatapang dahil sa epekto ng alak na nainom nila ay hindi napunta sa tiyan kundi umakyat sa kanilang utak, may mga pagkakataon na mismong ang inyong lingkod ay nakasaksi ng ganung insidente o pangyayari tulad na lamang ng nangyari kani-kanina lamang, kaya ito po ang aking isinulat sa ngayon, at ngayong oras na ito ay nakaalalay o nakabantay sa aking ina dahil sa natanggap niyang balita ngayong hapon lamang ngunit wala kaming magawa dahil bawal pa tumawid o magpunta sa kabilang isla para sunduin ang aking panganay na kapatid na lalaki doon.
Tulad po ng aking nabanggit, mainam o maganda o mabuti po ang pag-inom ngunit huwag lamang po sosobrahan o sumobra dahil may masama o hindi magandang epekto iyon lalo na po kapag umakyat na sa ulo o utak iyon dahil ang mabait biglang nagiging matapang o nawawala sa sarili. Muli po, ako po si Bheng, ang inyong lingkod na nagsasabi, magandang gabi sa inyong lahat, sana po ay nagkaroon kayo ng magandang araw ngayong sabadong ito, pagpalain po kayo ng Maykapal, lubos ko pong ikakagalak kung maririnig o makikita o mababasa ko po ang inyong opinyon o saloobin hinggil sa isinulat kong ito ngayon, maraming salamat po :)
Araw araw akong nag iinom dati lalo na nung panahong broken pa ako. Sobrang sarap sa pakiramdam kapag nakakainom ka kasi makakatulog ka kaagad ng mabilis. Walang iisipin ka kung ano ano, walang tanong. Basta tulog ka agad. Pero alam ko din na meron itong masamang epekto sa katawan. Napakadelikado ng alak. Sabi nga nila " Basta may alak, may balak " HAHA -hello po newbie here. 🙃