May girlfriend ako for almost five years, fresh graduate ako ng engineering habang siya teacher na sa secondary. Syempre, hindi maiwasan ang pagtatalo. At isa na diyan ang pangangamba niya na baka daw makakita ako ng mas maganda pag magwowork na ko. Pfft, she has no idea that I love her more than I love my own dreams. Kikiligin naman yon kapag mababasa niya to, nakikinita-kita ko na eh. My girl is simple, yes sobrang simple. Walang kaarte-arte sa mukha, hindi katulad sa'kin na de braces pa lol. Hindi siya kagandahan, yun bang first impression mo sa kaniya hindi siya attractive kaagad. (Pero patay na patay ako diyan!) Hindi rin siya maputi o maitim. Pilipinag-pilina si Ellaine my loves. Hindi rin siya biniyayaan ng masagangang bundok, at least may calamansi pa naman akong makakapa. Hindi rin siya palamake-up, pulbo at lipstick lang laman ng bag non. Hindi rin siya yung sobrang maporma pag lumalabas kami, simpleng shirt at pantalon lang. Aba'y pag nagshort lumabas yon, pinapagalitan ko kaagad eh. Hindi siya magastos, in fact ang sobrang tipid non. Alam mo yung toothpase? Pinapapapiga niya sa'kin kahit sobrang sakit na ng mga daliri ko, para lang sa kakaunting laman. But what she used to catch my soul is her principles in life, how she can handle a difficult situation that I, myself, can't resolve pero kayang-kaya niya. She's amazing, simply amazing! Pero katulad ng ibang babae, tinotoyo din 'yan eh. Yung naglalambingan kami tas biglang mangungurot ng pagkasakit-sakit tapos sasabihing, "By ah! Baka may ibang gusto ka na don sa school niyo! Hmp!" Yan lagi eh, yan lang talaga ang problema. Panay duda na baka ipagpalit ko siya sa mas maganda, sa mas sexy, sa mas biniyayaan ng harapan. Pero nah. Siya lang talaga. Hanggang kay Ellaine lang ako. Kaya dumating itong pagkakataon na sobrang naririndi na talaga ako sa kaniya. Araw-araw niya kong inaaway dahil diyan, at everyday ko ring sinasabi na sobra ko siyang mahal at hinding-hindi ko lolokohin. Mamatay na ang manloko! Kaya tinawagan kong pumunta siya sa condo ko after niyang magturo "Ellaine, let's talk." Hindi ko na siya sinundo para malaman niyang masama talaga ang loob ko sa kaniya. Para huminto na pagdududa niyang iiwan ko 'kuno' siya at humanap ng iba, binuntis ko nga. Ayown, tumigil. Kaya kahit wala pa sa plano ko ang buntisin siya, binuntis ko na nga. Mahal ko siya, ayokong isipin niyang ipagpapalit ko siya dahil lang sa hindi 'kuno' siya maganda. Fuck society's standards. Kaya see you soon in three months baby, excited na kami ni mommy mo. *** PS: Doon tayo ulit sa Engineer!
1
3
Hahaha binuntis para hindi iwan, pero ganyan din asawa ko sir binuntis ako eh kahit bata pa hehe pero natanggap naman po ng magulang namin parehas. Ganyan din ako kabaliw sa asawa ko ngayon at ganon din naman siguro siya hehe kasi pag nag aaway kami iiyak siya ng sobra para magka bati kami at mag sosorry hehe