Ulan

3 29
Avatar for bbghitte
3 years ago

Pumatak na ang ulan

Di pa naman tag-ulan

Pero okay lang

Masarap naman sa pakiramdam

Lalo pag nakatingala sa buwan

O kaya nakatingin sa kawalan

Pero mas mas maganda sana

Kung ikaw ang kasama

Habang nanonood paglitaw ng mga tala

Subalit ang layo mo pala

Halos isang taon na tayong di nagkikita

Namimiss na kita sobra

Kahit lagi tayo magkausap

Sa telepono ng halos magdamag

Parang hindi pa din sapat

Kaya pinapadala ko na lang muna sa mga ulap

Baka sakaling makarating ang aking mahigpit na yakap

Na bawat patak ng ulan ay iyong malasap

At maramdaman mo ang alab

Ng pagmamahal kong tapat.

Pero please lang

Wag kang magbabad sa ulan

Baka naman iyong masobrahan

At sipon naman ang abutin mo nyan.

...^•°...

Uy kaibigan

Ikaw pala yan

Natuwa ka ba sa iyong natunghayan

Yan lang aking nakayanan

Nadala la lang sa ulan☺️.

Hanggang sa muli!

...^•°...

Lead image is mine.
#originalcontent #readcash

4
$ 0.46
$ 0.40 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Firenze
$ 0.01 from @Pisces-jr15
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty

Comments

Super creative po nung poem niyo ate. Nainspire tuloy ako magsulat ng tula. Hehehe.

$ 0.00
3 years ago

Nakakakilig naman ang iyong tula sissy. ❤❤

$ 0.00
3 years ago

Haha, salamat sis☺️

$ 0.00
3 years ago