Si Nanay

4 28
Avatar for bbghitte
3 years ago

Tumatanda na talaga si Nanay

May mga paniniwala syang mahirap ng baliin

Nagiging matampuhin din

Pakiramdam nya pinagkakaitan sya

Ng mga bagay na gusto nya

Gaya ng pagbubuhat, paglalaba

Kaso lang talagang may edad na sya

Hirap na nga sya tumayo minsan

At yung pandinig nya ay isa ring naapektuhan

Madalas ko sya nakikita

Nakaupo lang sa harap ng bahay nya

Hawak ang rosaryo habang nakatulala

Minsan naman ay nananaghoy pa nga

Nanay,

Alisin ang takot at pangamba

Wag mag-isip ng kung anuman

Na sa damdamin mo ay makakasama

Wag ka na mamrublema

Sa pagkain, panggastos at ano pa

Mga utang nila sayo

Naku wag mo na isipan pa

Gula-gulanit na listahan mo

Iniingatan pa din ba?

Nubenta anyos ka na

Wag ka mag-alala di ka namin papabayaan

Pagkain mo kami na bahala

At di ka namin dadalhin sa home care

Na kinakatakot mo noon pa

Kahit noong mga bata kami ay lagi ka nananakot at nagagalit

Sa iyo ay di kami nagalit

Natakot lang naman kami ng saglit

Ganun yata talaga pag bata pang yagit.

Nanay,

Kahit ikaw ay nag-iisa sa buhay

Dahil sabi mo nga istrikto ang iyong mga ate at kuya

At inuna mo pa pagtapusin ang iyong mga kapatid sa mga kursong gusto nila

Na minsan akala mo limot ka na nila

Di yan totoo

Dahil malayo man sila lagi ka naman kinukumusta

Nag-aabang ng mga post namin sa social media

Di lang talaga sila vocal sa kanilang nadarama.

Nanay,

Di ko makakalimutan ng iuwi ko ang aking unica hija

Sobra mong saya at agad mo syang

Binigyan mo pa nga ng mga baryang uso nung kapanahunan mo pa

Sabi mo swerte yun ng anak ko

Kaya agad ko itong itinago

At balak ko itong ibigay sa kanyang debut.

Nanay

Mahal ka naming tunay

Wag mo isipin na ikaw ay nag-iisa

Sa bahay lang yan kasi ayaw mo naman itong iwan

Ganun yata talaga dahil ito na ang iyong nagsilbing tahanan mula pa noong ipanganak ka

Lagi mo sinasabi na malapit ka na sumunod sa kanila

Pero pilit namin iniiba

Dahil gusto pa namin ikaw kasama

At makita mo pa mga apo mo sa tuhod na maging maayos buhay nila

Kahit ikaw ay edad nubenta na

Di naman halata dahil nakakasigaw ka pa sa mga pusang gala

At mga manok na maiingay sa umaga

Kalabaw lang tumatanda ika nga.

...^•°...

Salamat ulit mga kaibigan sa oras na inyong inalay

Sa pagbabasa ng aking tulang kwento na hango sa buhay

Ng aking mahal na lola.

...^•°...

Lead image is mine.
#originalcontent #readcash

3
$ 0.52
$ 0.47 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Ay si lola pala. Kudos sa lahat ng mga Nanay! I'm glad dito ako nabutan ng pandemic sa amin.🙏🏽👍

$ 0.00
3 years ago

Oo nga, buti din nakauwi kami kundi kawawa din tlga si lola ko at si nanay...hirap pa namn malockdown sobra

$ 0.00
3 years ago

Alala ko tuloy si mama 😢

$ 0.00
3 years ago

Aw, sensya na sis kung ganun. Lola ko kasi nahuli ko naman humahagulhol kahapon sa harap ng bahay nya😢

$ 0.00
3 years ago