Si Laika at Si Laila

0 9
Avatar for bbghitte
2 years ago

Meron akong kambal na kakilala

Sila Laika at Laila

Sampong taon na sila

Ang gaganda nilang mga bata

Magkamukhang-magkamukha

Para talagang pinagbiyak na bunga

Paborito sila ng kanilang ama

Subalit sa ugali ang laki ng pagkakaiba

Si Laika, ang bait-bait nya

Sobrang sipag pa

Sya ay laging maasahan ng pamilya

Marunong maglaba, magsaing, at iba pa

Nang minsang magkasakit ang ina

Sya ang nag-alaga, walang reklamo

At talaga namang may kusa.

Kabaligtaran nya sobra itong si Laila

Makulit, tuso, pilosopo

Lagi lang gusto nakaupo

Ang isip ay laging nag-iisip

Ng kung ano-anong kalokohan

Sya ang numero unong sakit ng ulo

Di lang ng ina kundi ang pamilya nito

Laging napapatawag sa school ang ina

Dahil tinago ang sapatos ng kaklase

Doon sa kabilang classroom

O di kaya naman, pinatay ang fuse ng buong school

Naku po, sa kalokohan talaga sya ang number uno

Ayaw nya tumulong sa mga gawaing bahay

Dahil balak nya daw maging Miss Universe balang araw

Kailangan nya daw maprotektahan ang kulay, ang balat at ang lambot ng kamay

Kaya pag may gawaing bahay

Pinapasa nya agad ito sa kanyang kakambal.

Magkasundo naman sila sa ibang mga bahay

Sa style ng pananamit, sa buhok

Kaya pag sila ay umaalis mahirap talaga makilala kung alin dun si Laika at si Laila

Sa kalituhan lalo na sa kanilang paaralan

Sinabihan sila ni Ma'am

Gumawa sila ng paraan para mabilis silang matandaan

Kaya naman kinabukasan

Laging gulat ng mga kaklase at ni Ma'am

Si Laika ay meron ng bangs!

Samantalang si Laila ay nagpagupit ng maiksi naman.

Minsang tinanong si Laika

Maging Miss Universe ay pangarap din ba nya?

Ang sagot niya, hindi po Tita

Di ako mahilig sa make-up o anumang kolorete sa mukha

Ako na lang hahawak sa gown ni Laila🙂.

...^•^...

Salamat sa pagbabasa, ako ay balik tulog na muna

Dahil 3:55 pa lang pala ng umaga.

...^•°...

Lead image is from Unsplash.
#originalcontent
#bbghitte

1
$ 0.96
$ 0.94 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @charmingcherry08
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments