Si Betty

2 31
Avatar for bbghitte
2 years ago

Tagalog muna tayo mga kaibigan

Nauubos na kasi English ko😁.

...^•°...

Meron akong bagong kwento

Naisip ko habang ako ay nakaupo

Bigla na lang pumasok ito

Pagkatingin ko sa halaman ko

Kaya ito na, go!

Ito ay si Betty

Masipag na ale

May dalawang anak, babae at lalake

Asawa nito ay konduktor sa bus byaheng norte

Sya ang bunso sa apat na magkakapatid

Lumaki sya sa iniiwasan ng mga kaklase

Dahil sa trabaho ng nanay nya

Na di pangkaraniwan

Oo, kakaiba

Maaga itong umaalis sa kanilang bahay

Posturang-postura

Maganda ang damit, ang bag tila ba mamahalin

Mga alahas na suot, ay talaga naman ang kinang ay di mawari

Para di sya halata

Pag sakaling didikit na sya sa kanyang biktima

Nahulaan mo ba?

Yap, tama!

Ang nanay ni Betty ay magna

Magnanakaw o mandurukot

Magaling ito manghablot

Di mahahalata ng kahit sino nitong mabiktima

At yun ang nakagisnan ni Betty na kinabubuhay nila

Di sya natutuwa, sila ng mga kapatid

Kaya nung sila ay may-isip na

Nagsikap silang magkakapatid

Na di matulad sa trabaho ng ina

Nag-aral ng mabuti

Hanggang sa mga buhay nila ay mapabuti

Ang panganay nila, nakaswerteng nakapag-asawa at nakuha sya sa Hawaii

Ang sumunod naman naging nurse

Sumubok mag-abroad

At sa awa ng Diyos, nakarating ng Saudi

Gumagawa ng sariling pangalan

At pinatayuan ang nanay nila ng sariling tindahan

Sa kasamaang palad, ang nag-iisa nilang kapatid na lalaki

Nadisgrasya nung college na sya

Natumba ang motor na nasakyan nya

At nabunggo sya, namatay ng maaga

Si Aiza, nakapag-asawa ng highschool pa sya

Pero nagnegosyo sya

Buy and sell, dry goods at iba pa

Na kahit may reunion sila

May dala-dala syang paninda

Opportunity ika nga

Lahat ng raket sinusubok nya

Wag lang sya pumasok sa dating trabaho ng ina

Awa ng Diyos, nakakaraos naman sila

Anak nyang panganay ay magka-college na

Habang ang bunso ay nasa grade 7 na.

...^•°...

May mga bagay na di na natin kayang icontrol pero madami tayong paraan para di magaya dito, makaiwas at mabago

Kaya ikaw kaibigan, ang kapalaran mo ay di ididikta ng magulang o ng ibang tao sa paligid mo

Alam mo na kung ano ang tama sa hindi

Ikaw ang kapitan ng sarili mong barko

Kung magkamali ka

Matuto kang bumangon at itama ito

Wag ka na lang basta mamintang at susuko

Kung kaya ni Betty umiwas at baguhin abg takbo ng buhay nito

Kaya mo din, kayang-kaya!

O sya, hanggang dito na muna

At mag-iingay muna ako da kabila🙂.

...^•°...

Lead image is from Unsplash.

#originalcontent

#bbghitte

2
$ 0.56
$ 0.54 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Usagi
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments

Ang ganda nung kwento. Parang yan ung mga nasa kanta ni Glock 9 ehhh. Tama yan, wag ng ipasa sa next generation ung ganyang ugali.

$ 0.00
2 years ago

Dahil sa kahirapan may mga tao talagang kumakapit sa ganyang kabuhayan, alam natin ang tama't mali, wag tayong mahiya daw kung ipinanganak tayong mahirap, kasi kaya natin baguhin takbo ng buhay natin sa tulong ng sikap at tiyaga, mahiya lang tayo daw oag namamatay tayong mahirap hihi. Ang hirap naman hahah

$ 0.00
2 years ago