San Patungo

0 25
Avatar for bbghitte
1 year ago

Sa lawak ng daang kailangang tahakin

Di alam san dadalhin

Ng mga paang gala

Saan ka nga ba papunta?

Nalilito, nalilito

Paano, paano?

Bawal tumigil sabi ng isa

Pahinga muna sagot ng kabila

Pero di pa din malinaw talaga

Paroon, parito

Naunahan na tuloy ni ano

Pero ayos lang, kalma lang

Di naman sa pagmamadali

Pero mahirap kasing magkamali

Pero sa bagal, akala tuloy ng madami

Chill chill ka lang pare

Di nila alam, may pilit kang nilulusutan

Gusot na kung kailan maayos ay di mo alam

Parang bang tali na nakapulupot sa daan

Na kung di ka matyagang ayusin ay baka putulin mo na lang

O kaya sumuko na lang

Pero hindi

Hindi pagsuko ang solusyon dyan

Pwede kang humingi ng tulong kung kailangan

Para patutunguhan ay iyong marating

At ang pagod, puyat at pighati ay magantimpalaan

Sabi nga nila

'Kung may tyaga, may nilaga'

Kaya laban lang, lakad lang

Pwede ngang tumakbo kung kailangan

Wag lang tumakbong papalayo

Papalayo sa pangarap mo

Dahil mahirap ng mag-umpisa ulit

Ang kailangang gawin ay kumapit

Kumapit sa pangarap at sa Diyos na sa'yo ay umiibig

Tiwala sa sarili at sa Kanya

Yan ang pahiwatig

Ng mga sa daan ay bumabalakid

Kaya okay lang magpahinga

Okay lang tumigil muna

Basta ito ay pansamantala

Para makahugot ka ng lakas

Nang sa gayon ay maipagpatuloy mo na

Ang naumpisahang laban

Laban patungo sa daan

Na kung saan

Ang rurok ng tagumpay

Sa iyo ay nag-aantay🙂.

...^•°...

Lead image is from Unsplash.

#originalcontent

#bbghitte

1
$ 1.20
$ 1.20 from @TheRandomRewarder
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty

Comments