Sabado, Ang Saya Ko!

4 19
Avatar for bbghitte
1 year ago

Kamusta kayong lahat?

Tagalog muna tayo

I-share ko lang ang nangyari sa aking Sabado

Gabi lang naman nangyari dahil maghapon chill lang sa bahay with family

7pm, nagpunta kami sa Casa

Sabi ni Ate may free food daw

Victory party ng konsehal na kaibigan nya

At napili ang Casa de Comida na maging venue nya

Sinagot nya pa ang bayad ng banda

Daming pagkain

Sayang di ko napicturan

May crabs, lasagna, palabok, chicken and lettuce na specialty ni Ate

Tapos may wine pa!

Di naman ako mahilig mag-inom kaya 2 shot glass lang ako, at Novelino pa kaya wala naman talagang tama

Nag-umpisa ng tumugtog ang banda nung dumating kami

Halos occupied na din lahat ng tables sa Casa

Buti reserved na yung view deck

Dun kami pumwesto syempre

Sabi ko sa kapatid ko, di muna ako tutulong sa Casa

Ako ay manonood at mag-eenjoy muna

Buti pumayag naman sya

Sarap na ng kain namin

Bayaw ko na napapasayaw na sa gitna kasama ng ninong nya

Masaya, parang after ng mainit na eleksyon deserved na deserved talaga ang magandang tugtugan, tawanan at kainan

Pero may pasurprise si Konsehal

Every table binibigyan ng 500 pesos, pandagdag daw sa pang-inom

Pero dahil libre na kami at wala nga kaming bill

Di na namin tinanggap

Pero pinatawag lahat ng staff ng Casa at pinapila

Ayun may bonus sila, 500 pesos kada isa

Ang saya-saya nila

Lalo yung mga hiniram lang na magduty kagabi para dagdag mag-aassist

Mga 20 din ang staff na pumila, at nakakaloka dahil pati kapatid ko sumama sa pila!

Habang papalalim ang gabi, gumaganda ang tugtugan

Ingay ay lumalakas, pati nga loob ay lumalakas na din

Dahil kapatid kong babae

Umakyat sa stage at nakijam!

Una ninenerbiyos pa sya, pero nung pangalawa nakabawi na sya

Sabi tuloy ni Yuri kanta din daw ako

Sabi ko di pwede inuubo ako

Pilit nya pa din ako, sabi nya pagbigyan ko naman daw anak ko

Buti saglit lang ang break ng banda at di na ko kinulit pa

Padagdag din ng padagdag ang Red Horse na inaabot sa asawa ko

Sinasaway na ni Yuri pero nahiya naman tumanggi

Kaya si baby, ayun umiyak at ayaw magpatahan

Walang nagawa ang kawawang daddy kundi bilisan ang paglagok sabay uwi na kami

9:30 na yun at may mga paparating pang mga grupo

Pero mga tao ni Konsi

Nakabantay sa may entrance

Inaabutan ng 500 kada grupong pumapasok

Dagdag pang-inom, yun ang sabi nila

Nag-enjoy naman ako sobra

Tsaka tyan ko talaga, busog lusog solve

Pagkauwi ng bahay bagsak si hubby

Si Yuri dumiretso sa mga Barbie

Ako naman, nanood ng live video sa Casa

Pinsan at lolo kong sobrang lasing na

Di na napigilan magsayaw sa gitna

Alas dos na ng umaga ng magdatingan mga kapatid ko mula sa Casa

Laki naman daw kinita awa ng Diyos

Sulit ang pagod at puyat nila

Sana magtuloy-tuloy na magandang pasok ng kita nila

Para kahit pano makabawi sila.

Ayon lang mga kaibigan

Mashare ko lang

Salamat!

Lead image is mine.
#originalcontent 
#bbghitte

2
$ 1.27
$ 1.27 from @TheRandomRewarder
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
1 year ago

Comments

Mukhang mag enjoy ka talaga dyan ate ah. Sana all nakaka received ng money hahaha. Sarap kapag may ganyang mga tao sa paligid. Heheh.

$ 0.00
1 year ago

Hahah, oo nga eh instant 500 din un

$ 0.00
1 year ago

Ganda namn ng sabado sana araw-araw sabado nlng kung ma experience ko yan hahaha

$ 0.00
1 year ago

Hahaha, oo nga sis🙂

$ 0.00
1 year ago