Politika nga naman...

2 28
Avatar for bbghitte
2 years ago

Hello mga kaibigan,

Nag-marites ako kanina

At ito ang aking nasagap na mga chika

Itong isang politiko

Bata pa kami sya na ang naririnig ko

Sya nga din aming binoboto

Dahil tiga-samin at kilala ng tatay ko

May resort pa nga sila dito lang sa likod ng bahay namin

Every December may pamigay pa sya

Kami naman sige sa pila

Dala-dala pa nga nya isang beses asawa nyang artista

Pero nitong pandemic andami naming nalaman, nabalitaan

Sobrang dami na pala nyang naloko, nahakot

Yap, nahakot na kaban ng bayan

Gamit ang mga kawawang taong-bayan

Eto isa-isahin ko

  1. Ambulance. Idedeliver sa hospital, picture-picture kasama mga doctors, nurses, media pa syempre. After ng ceremony, di naman iniiwan ang ambulance. Kinukuha din nila at sinasabi iparehistro daw muna. Ilang taon na di pa nababalik ang ambulansya. Yun naman pala andun sa base nila, nakatambak! Para pag may magpatulong sa kanila sabihin may ready na gagamitin para sa kanila!!!

  2. Baka. May project kuno, pamigay na mga baka para sa mga farmers. May picture-picture ulit, kunyari pinapamigay yung baka, yun pala after nun inuuwi nila mga yun at dinadala sa farm nila! Pero may iba naman na iniiwan itong si baka pero ang usapan, ang unang anak ay sa kanya!!! Ang kapal di ba???

  3. Kambing. Yes, same sa baka project ang unang anak ni kambing ay ibibigay sa kanila! O di ba parang nagpaalaga lang talaga si politiko sa mga farmers! Ang utak corrupt talaga!!!

  4. Land grabbing. Eto sobra, ang lala kasi kami dito sa lugar namin ay biktima. Itong property nila sa likod bahay, tagal na. Mga bata pa kami alam namin lupa nila, kasi nga pag may pamigay na ayuda dyan lagi ang venue nila. Pero dahil sa pandemic, may mga nakilala kaming mga ka-level nila. Nalaman namin na ang lupa na yan ay di pa naka-titulo sa kanila. Property pa talaga ng barangay pero sya ang nakikinabang ng bongga kasi ginawang school ng TESDA.

Hay, madami pa

Sakit sa ulo

Hirap isipin pero totoo

Kaya ayaw nilang umalis sa pwesto

Dahil anlaki ng pumapasok sa mga bulsa ng mga ito

Kung may mga maayos lang sana na mag-audit s mga projects nila ano

Kung talaga bang nakakarating ba

Kung nagagamit ba ng tama

At ang pagdeclare ng assets and liabilities nila ay transparent sana

Pero sa palagay ko matatapos na ang masasayang araw nila

Di na sila pupwesto ngayong halalang ito

Tama na siguro

Masyado ng madaming agrabyado

Nagising na mga tao

Gagamitin na pagiging matalino

Di na sila magpapagamit sa ganitong klaseng tao

Nakita na nila ang nagmamalasakit ng totoo

Siguro may bahid din ng corruption pero lesser evil ba

Kahit pano ramdam mo ang kanilang pagiging sinsero

Tsaka nung kasagsagan ng pandemic

Di nila pinabayaan mga tao

Ayuda doon, ayuda dito

Nakita na ang totoong kulay

Yung totoong may puso

Kaya naman ang dasal ko

Sana ay ituro ni Lord kung sino ang karapat-dapat iboto

Yung totoong may malasakit sa bansa at sa ating mga Pilipino.

...^•°...

Lead image is from Unsplash.
#originalcontent
#bbghitte

2
$ 4.76
$ 4.76 from @TheRandomRewarder
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments

Same dito sis. Dati manghang mangha ako Kasi napaunlad nya bayan namin pero madami din palang kabig Kaya ngayon iba na iboboto ko 🤣

$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Iba ang magic nila ano sis

$ 0.00
2 years ago