read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Ang Daan Galit, inggit at pride Tatlong matitinding salita Mahirap kalaban Mahirap ding labanan Pero kung sa iisang tao lang manggagaling Mahirap ding ipaliwanag yan Kung saan at paano nagsimula Kailan matatapos ang damdaming ito sa puso ng isang tao Ay isang malaking katanungan??? May isa kasi akong kakilala Itago natin sa pangalang Magda Matanda na sya sa edad na sitenta'y siete Subalit ramdam mo at alam mong may kakaibang galit, inggit at pride sa puso nya Ang nakakaloka, dun pa sa pamangkin nyang si Tina Si Tina na walang ginawa kundi maging isang mabuti at huwarang ina Di nga lumalabas masyado sa bahay nila Dahil busy sa mga gawaing bahay at sa mga apong kanyang inaaruga Libangan nya lang ay tong-its sa oras ng siesta Mula sa hirap at pinilit igapang kinabukasan ng mga anak Hanggang sa sila'y mapagtapos at ngayon nga ay pinatayuan sya ng malaki at maayos na bahay Malayo sa barong-barong at masikip na kinalakihan ng mga anak Dahil din dito naisamang ipinaayos ang daanan papasok sa kanilang bahay Ito ay daanan din ni Magda at pamilya nya Di nila isinagad yung sementadong daan May natirang maiksing parte Dahil nung panahon na ang mga gumagawa ay nagsusukat Narinig ni Tina nung sinabihan ni Magda ang anak 'Bantayan mo baka may masakop sa lupa natin' Agad namang tumalima ang anak Nakalimutan yata na si Tina ay kanila lang kaharap. Natapos ang daan, di na madudulas sa mabatong daraanan mga bata at matanda Subalit sa di maipaliwanag na dahilan Imbes na dun dumaan si Magda at pamilya nya Hala sya, dun sila sa makipot at mabatong daan nagtatyaga Na pati tricycle na sinasakyan nila galing palengke ay sinasabihan daw na wag ipasok sa sementadong daan Samantalang noong mabato ito at matarik Kahit hirap ang sasakyan at sumasayad Pinapapasok nila ng walang pakundangan. Di naman nagtatanong si Tina at pamilya nya Hinahayaan lang sila Dahil baka kung kwetyunin ay mapasama pa sila Pero mga nakakakita lalo mga tricycle driver ay nagtataka na Panay tanong bakit ayaw nila 'Di ko alam', yan ang sagot nila Tina. ...^•°... Kung may daan ng maayos sa iyong harapan, yung alam mo at sigurado kang di ka na ipapahamak mas pipiliin mo pa ba yung matarik, mabato at di sigurado? Uunahin mo pa ba ang galit, inggit at pride sa puso mo? At hanggang kailan mo kikimkimin ang mga damdaming ito? Pano mawawala ang mga balakid para maging masaya ang paligid lalo ang relasyon ng pamilya mo? Mga tanong na mahirap sagutin, kaya ipasa-Diyos na lang natin🙏🙂. ...^•°... Maraming salamat sa iyong pagbabasa Sana ay may napulot ka sa kwentong aking nilathala Hanggang sa muli! Lead image is from Unsplash. #originalcontent #bbghitte

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.