read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Minsan

Minsan ang sarap isipin na walang problema Lahat ng nangyayari sayo eh naaayon sa kagustuhan mo Na pwede mong piliin ang ending ng istorya mo. Minsan maganda mangarap Mangarap ng gising Habang kasama ang mga mahal natin Walang sakit, walang covid. Masarap iextend ang panaginip Lalo kung masaya, magaan, maaliwalas Kaso laging may panira Ibabalik tayo sa mundong puno ng gulo at masasamang balita Gaya nung nakaraan May pinatay sa kabila Di lang iisa ang tama kundi apat napu at walo pa May mga nakakita kaso ayaw magsalita Kasi baka pati sila ay madamay pa. Yung si kapitbahay na chismosa Ayaw pa din manahimik Panay pa din ang bira Na kesyo ganito, ganyan, hay ano ba! Pero ano nga ba ang ating magagawa Ke panaginip o totoo man ang ating kwento Kailangan pa ding magpatuloy ang mga kabanata nito Ganun talaga, minsan maganda Pero may mga magugulo din talaga Na ang hirap ayusin kasi nagkabuhol-buhol na Na kung pwede lang deadmahin na Kaso babalik at babalik pa din talaga sa simula Kung saan kailangan ayusin anumang gusot na pilit mong tinatalikuran Kaya minsan, maganda talaga matulog muna Magpahinga at huminga Kasi mahirap iwas ng iwas Mga kwento talaga ay kailangan ng wakas Pero bat yung Ang Probinsyano? ...^•°... O sya kaibigan, napadaan lang ako Salamat sa pagbisita mo Pakisagot nga please yung tanong ko🙂 Lead image is mine. #originalcontent

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.