Ako ang Kailangan, Iba ang Mahal (BCH version)
Familiar ka siguro sa lyrics na yan ano Isa ka din ba sa di maka-move on sa music video Na hanggang ngayon paulit-ulit na tumutugtog sa isip mo Na minsan nakakahugot ka pa dito Na baka nga naiyak ka pa ano Ginalingan naman kasi ng Joshlia masyado! Naalala ko tuloy ang pelikula nila Claudine at Piolo 'Mahal mo ba ko dahil kailangan mo ko?' Yan ang salitang binitawan ni idolo Sobrang sakit sa puso Kahit di mo naranasan parang tumagos kahit papano ano? Parang si BCH, san mo kaya sya ilulugar sa kantang ito? Sya ba yung kailangan o mahal mo? O baka nadadala lang tayo dahil ito ang uso At halos lahat ng nababasa mo ay patungkol dito Na minsan utak mo na ay litong-lito Na sa information overload eh napapaisip ka na Ito ba talaga ang gusto? May future ba ako dito? Sya ba ang sagot sa pangangailangan ko at ng pamilya ko? Masaya ba ako dito? O bibitaw na at ipapaubaya mo na lang sa iba na pursigido? Pero sumagot ang utak ko Hoy, maglista ka na nga ng laman ng wallet mo Update mo na baka tumaas na laman nito At yun nga ang ginawa ko Pagkakita ko, uy may $200 (BCH) na din pala ako Akalain mo nga naman ano Di ka pa nyan masyado seryoso Pano na lang pag tinutukan mo pa ito Sa ngayon kailangan ko pa lang si BCH Dahil sya sagot sa aking mga kautangan Sa onting kakikayan at panlibre minsan Napapasaya din nya ako lalo pag nananalo ang mga bets ko Madalas nga mas inuuna ko pa icheck laman ng wallet ko bago ang good morning sa mahal ko Nagkakatighiyawat sa pisngi at napupuyat ako Onti na lang mapapanaginipan ko na din yata ito Hala, pag-ibig na din yata ito! ...^•°... Hinapit ko sumulat ng tula Habang mainit-init pa ang Joshlia😁 Salamat ulit sa pagbabasa Bukas ulit at gabi na Antok na din ang inyong lola♥️ Lead image is from Unsplash. #originalcontent
16 comments
Grabe nakangiti lang ako at natawa ng bongga dito literal. "Oh kailangan mo ko, kaya mahal mo ko?" Ahhahahahahah. Omaygad, i love you Piooolloooo 😹😹 Relate much sis, mas nauuna ko pa icheck detoken kesa mag goodmorning kay jowa🤦♀️🤦♀️🤦♀️ At humalagpak ako ng tawa sa kautangan #relatemuch Sa dami ng pinaubaya ko sa mundo, hindi ko na idadagdag ang BCH dito 💚
Hahahahah, oo nga di na kasama si BCH dun...salamat sis! ☺️☺️☺️
Kapapanaginip ko Lang Kay bch kanina 😂
Hahaha, mahal mo na nga sis!
Sa totoo Lang lagi ko talaga syang napanaginipan haha.
Ayos yan sis, inaattract mo ba☺️
nakarelate ako kase naiyak din ako sa trending video nila sakit sa puso pero ang galing mong bawiin ang sakit na pinalitan mo ng nakakatuwang katanungan pero makatotohanan...
Heheh.. oo nga hirap magmove-on, salamat☺️
ang aking puso ay lubos na natutuwa sapagkat dito'y nakahanap ng isang mahusay na makata :)) nice content po ate! hanggang dito nakaabot pa din yung sakit na dinulot ni Moira at ng Joshlia hahahaahaa
Aw, salamat naman at nagustuhan mo ang aking tula Tumatalon ang puso ko sa tuwa☺️
Yung kay Piolo napanood ko yun. Hahaha. Hanggang ngayon hindi pa rin ang trending video. Cheers for $200!! 🤩😊🥳😍🥰
Panoorin mo na now sis, may bago na ulit single si Moira..hahaha
And cute ng sinulat mo parang tuloy mapapa emote ako.heheh
Hehehe, may kasamang emote din nung ginawa ko to sis..hehe
bch is life na po ngayon..🥰😅
Tama!