read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Hinagpis ni Maria

Oktubre 12, 2019, alas tres ng umaga Bagyong Maring ay rumagasa Lakas ng hangin talaga namang pambihira Bubong namin ay sobrang kalampag akala mo tuluyan ng mawasak Napuyat halos kaming lahat Dahil sa lakas ng kalabog unang pantakip ay di sapat Aking kapatid na nasa ibang bayan tumawag ng pagka-agaaga Kami ay kinumusta dahil sa kanila daw ay lubog na Kasama ang kanyang kotse na bubong na lang daw ang nakikita Akala ko yun na ang pinakasobrang balita Na dulot ni bagyong Maring Di pa pala, dahil pagsapit ng alas-onse y media Tita ko na nasa Canada ay tumawag bigla Ako ay nabahala dahil di naman nito ugali mangumusta Tama nga ang aking hinala Dahil may dala syang mabigat na balita Nanay daw ni Maria, ang kasambahay nila ay inagos ng tubig na rumaragasa Pagdating ng umaga ay nakitang nakalutang na sa kalsada Wala ng buhay ang matanda Samantalang ang kasama nitong anak na kanyang kasama Ay dinala din sa hospital dahil nakitang sumabit sa yero ng kanilang bahay Ang sakit sa puso, mabigat sa pakiramdam Dahil noong isang araw lang Balak ni Maria na umuwi at bumisita Sa nanay nyang may edad nang otsenta at isa Dahil lagi daw nitong sinasabi na miss na miss na sya Di namin alam pano sasabihin dahil si Maria ay may sakit ding iniinda Sakit sa puso na kanyang ginagamot pa Umakyat si Maria Tila ba may kutob na sya Nagpaload at sabi kumustahin daw nya Nanay nya Sabi ko na lang, sige kumustahin mo dahil grabe daw si bagyong Marina Kaso di nya matawagan ang number ng kapatid nya Subukan mo iba mong kapitbahay sabi ko pa Pero di ko na talaga matignan ng diretso sa mata Dahil baka bigla akong maluha at magtaka sya Buti may tumawag sa kanya at bumaba muna sya Yun pala kinausap ang kapatid ko Na kung pwede daw ihatid sya sa bahay nila at makumusta nanay nya Umoo naman agad si Ate kaso lubog pala mga bayan na kanilang dadaanan Kaya sabi ni Maria, sa ibang araw na lang pag ang tubig ay humupa na Umuwi muna si Maria sa kanila at nagluto ng tanghalian nila Maya-maya bumalik sya Umiiyak na at yumakap sa aking ina Sabi nya, wala na ate ang nanay kong bibisitahin sana Nakita daw ng kapatid ko nakapost sa social media Nakalutang sa kalsada at patay na Dun bumuhos ang aming mga luha Di maibsan ang sakit na nadarama Dahil mahal na mahal ni Maria ang Nanay nya Sya ang dahilan kung bakit sya lumayo at nagtrabaho Yun ay para may maipadalang pangkain at pambili ng gamot nya Subalit pano na, sino na Hirap at pagod sa trabaho ay di nya inalintana Na kahit sobra-sobra na ang pinapagawa sa kanya ay tinitiis na Na kahit minsan ay di na maganda ang trato sa kanya Pinagkikibit balikat na lang nya Para sa araw ng sweldo ay may maipadala sya sa kanyang Mama. Hay Maria Puso at pagmamahal mo ay talagang pambihira Di ko alam pano maibsan ang sakit at pait Kaya idadaan ko na lang sa dasal Na sana sa mga araw ng inyong pagluluksa at pagtanggap na ang Nanay ay lumisan na Sasamahan at aalalayan kayo ng Mahal na Poon Na yakapin Niya kayo at iparamdam Na si Nanay ay nasa masayang lugar na Walang sakit, walang hirap, walang pagod. ...^•°... Salamat sa pagbabasa at God bless us all. Lead image is from Unsplash. #originalcontent

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.