Antok na
Ang diwa ko ay gusto ng matulog Di naman dahil sa pagod Kundi talaga namang gabi na kasi Kanina pa nga naghihilik aking nga katabi. Ako ay na-excite Bukas sana ako ay sa Manila na paluwas Si loves ay excited na ngang ako ay makita Biruin mo ba naman Isang taon na kaming di nagkikita At ang anak ko lagi na nyang sinasabi, 'Mommy, uwi Daddy!' Aw ang puso ko ay nadudurog sobra Nung nakaraan pa nga sabi nya Daddy, i-box mo sarili mo at sa Partas ipadala Sabihin mo sa konduktor, pakibaba sa bahay ni Yuri Doble durog!!! Maluha-luha kami ng asawa ko Hay, kung sana ganun lang kabilis Pero onting tiis pa anak ko Soon, magkakasama din tayo. So ayon na nga Napostpone ang luwas ko Imbes na bukas Pagkatapos na lang ng Mahal na Araw Dahil si Nanay ko ay nakiusap At kinakabahan daw sa dami na naman ng kaso Ganun din si ate ko, kung pwede daw wag muna Dahil masunurin ako At ayoko din isugal ang buhay ko Mahirap na baka sa tagal ng pag-iingat ko Eh masaktuhan pa ko Baby ang anak ko Tsaka kung anuman ang sadya ko Makakapag-antay pa naman ito. Bakit nga ba antok ang aking topiko Malamang ang makakakita nito maghihikab pag nabasa ito Eh antok na ko talaga kanina pa Kaso itong pamangkin ko Ayaw pakawalan kamay ko Gusto hawak-hawak habang sya ay nagpapa-antok Eh antagal bago nakatulog Nung okay na tsaka pa lang ako kumain Akala ko pwede na ko diretso tulog pagkatapos Kaso paglabas ko ng banyo Nakahanda na ang krayola at papel Drawing time pa nga pala namin ng aking tsikiting At ayaw ng isang pahina lang Kailangan dalawa pa kasama ang background Dahil ayoko naman magtampo at magselos Pinagbigyan ko Tsaka ko sya binuhat at hinele para matulog Medyo may kabigatan na ito Kaso tiis-tiis dahil baka bukas isang araw Ayaw na nya sakin magpabuhat. Babagsak na mata ko Kaso kahapon wala na naman ako artikulo Baka pati si bot ay makalimutan na ako Onting biyaya ay di na sakin ay dumapo Kaya kahit babagsak na mata ko Kailangan ko tapusin ang tulang kwentong ito Di ko alam kung kapupulutan ng aral Pero sana naman kahit papano. Di lang pala mata ko ang pabagsak na Kundi pati battery ng phone ko 10% na lang ito Kaya hanggang dito na lang muna tayo Bukas na lang uli mga kaibigan ko. Lead image is mine. #originalcontent
4 comments
It's gonna be your big day, just stay safe since pAndemic is still on, be happy, hope your son met your husband soon.
Thanks!
Awww. Nakakadurog nga naman yun. Pero tiis-tiis muna Yuri. Magkakasama din kayong tatlo.
Oo nga sis, tiis pa more