read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Anong Nangyari? Ganito kasi yun😁 Ako ay nagpunta Sa paboritong pasyalan ng mga bata At ako din pala Kasama si Yuri, Jac, Heleina at pamilya nya Alas singko na kanina Pagdating sa dagat ang araw ay mataas pa Nakakasilaw pa ang liwanag nya Subalit di na mapigilan mga bata Sa paglalaro ng buhangin at ng bola Di na masaway sapagkat larong-laro na sila Di alintana kahit pa mangitim sila Ako naman si tiga-saway sa kanila Di naman sila masusugatan sa buhanginan Kaso mapupuwing naman Pawis na pawis na sila ayaw pa din magpahinga Hanggang sa ako'y mapagod at hinayaan na lang muna. Mag-aalas sais na Pababa na si haring araw Naalala ko aking ginupit nung isang araw Plastic na bote ng tubig Agad ko iyong kinuha sabay takbo malapit sa tubig Nung una ginawa ko lang frame ba Pero binasa ko muna para may onting effect ba Eto sya!

Maganda naman di ba? May nakita kasi akong ganitong post sa FB Kaya sabi ko sa sarili magaya nga Pero syempre di naman gayang-gaya Concept lang ba. Pero ako'y nag-isip pa Dahil maganda talaga ang sikat ng araw kanina Di nakakasilaw, masarap sa mata Kaya ito pa yung isa

Yung tulo effect naman Nilagyan ko ng tubig ang bote Tsaka ibinuhos ng unti-unti Sabay click ng mabilis Gamit ang burst effect Ayun, nakadali! Ang ganda nung pagkakakuha ng tubig Tila ba naka-freeze At nakuhaan pati ang sunset dun sa tubig Ako ay masyadong natuwa At more saboy tubig shots pa

Ayan, ang linaw ng tubig sa larawan Di ko maexplain sa salita Pero para bang nakakalinaw ng mata Tsaka ng aking perspektiba Na para bang ang isip ko ay luminaw din bigla Malabong destinasyon ay tila ba naging klarong direksyon Di na kailangan ng madaming ilaw sa daan Para ito'y marating ng maayos ang paroroonan. ...^•°... Hanggang dito na lang muna kaibigan Antok na mata ay kailangan ko ng pagbigyan Dahil narealize ko, pagod din pala ang aking katawan🙂. All images are captured by myself. #originalcontent #bbghitte

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.