Muni-muni Ako ay naglakbay kanina bago magtanghalian Sa hardin kasama ng aking anak na may kakulitan Dala ang aking kamera para lang ready kung sakali Inisa-isa kong ilipat ang ibang paso Para maliwanag ang dadaanan ko Ng biglang may dumaan Isang magandang paru-paro na kulay brown Ako'y napahinto, pati na din ang anak ko Nagtaka at nagulat tuloy sya sa ginawa ko Sabi ko tahimik muna sya at kuhaan ko ng litrato Subalit nasagi ko ang pakpak kaya tuloy lumipad Aming sinundan ng tingin At ako ay napahiling Na kahit isang saglit sya man ay tumigil Pero di sya tumigil sa kakalipad na para bang may hinahabol na something Nawalan ako ng pag-asa pero sa isip ko sabi ko, one shot lang please Nagtingin-tingin muna ako sa iba Akala ko ang anak ko ganun din Yun pala di nya nilubayan ng tingin At nakita nya tumigil sa tabi kong puno ng buko Dahan-dahan akong pumwesto Ingat na ingat ako para sa pangalawang pagkakataong ito Tumingkayad ako dahil may kataasan sya napatigil Humawak ako sa isang sanga para lang makuhaan ko ng maayos Isa, dalawa, tatlong click na ko Andun pa din sya at mahigpit ang kapit sa dahong tinigilan nya Na kahit mahangin ay di sya natinag at lumipad pa Kaya di ako huminto, sinet ko sa video Una sa slo-mo, pero parang maxadong pixelated Kaya pinalitan ko to time-lapse Bigla lumabas si haring araw At may isang langgam na kumagat sa aking paa Pero di ko muna ininda Dahil inuna ko si paru-parong maganda Isang minuto din ang tinagal nya Hay, ang saya-saya ko sobra Pati ang anak ko ay excited na makita anong itsura Eto sila!!!👇👇👇
Ito na ang pinakamatagal na moment ko sa isang paru-paro Di ko inakala na makukuhaan ko pa ito Sadya nga namang may himala Na pag humiling ka ng taimtim Ibibigay sa'yo, siksik liglig umaapaw pa. Di talaga natin kailangan ng karangyaan at anu pang yaman sa mundo Ang mas kailangan natin ngayon lalo Ay maging masaya, malusog at kapiling mga mahal nating totoo Alam ni Lord ang nasa puso natin Kaya ibigay natin sa Kanya Ipaubaya natin, ipagdasal natin Dahil pag nakita Niyang tayo ay deserving Naku, wala pang isang oras o minuto Darating na ang biyayang deserve mo at ako Kaya ang dasal ko ngayong gabi Sana ay ilayo tayo ni Lord sa takot, sakit at pighati Bantayan at protektahan Niya sana tayo palagi At tulungan tayong maging malapit sa Kanya Dahil Sya lang ang ating kanlungan Ang makakapagbigay satin ng tunay na pagmamahal Na di kayang pantayan ninuman. ...^•°... Salamat sa iyong pagdaan kaibigan. Sana ay iyong nagustuhan o napangiti man lamang. All images are mine. #originalcontent
5 comments
Nagpintas daytan nga kulibangbang :)
Wen garud sis😊
Mapapareply ata ako ng may parhyme. Hahaha. Pero pareho ba kayo ng butterfly ni Bev? Meron din kasi siya. Naaliw ako habang binabasa ko. Iniimagine ko bawat mga eksena. Hahaha
Siguro sis kasi pagkaganun lumilipat-lipat lang sa garden namin mga paru-paro😁
Sana mas dumami pa mga butterfly. Bihira na butterfly dito sa QC.