Pasensya
Aba masarap yan sa umaga O kaya naman ay merienda Sabayan ng mainit na kape Na timpla ni ate. Ano? Mali? Hindi ba pagkain? Ah ok, sorry! Hanggang saan nga ba aabot ang pasensya ng isang tao Isang kilometro, dalawa o tatlo? Pero yung kilala ko Grabe, higit yata isang libo Kung pano, di ko rin talaga maturo Kasi ako, nasasagad wala pang isang minuto Pero sya iiyak na lang nya Magsasalita lang ng kaunti Pero maya-maya okay na sya. Ang kwento kasi ganito Nagtayo si ano ng kubo Tapos si isang ano sabi, baka gusto nyo din dagdagan ito Dahil sa kagustuhang maibalik ang sigla sa baryo Dayuhin ng ibang lugar kahit papano Ayun, napapayag sila nito Nang gawa na, itong isang kapatid Nagpost sa fb Sinabayan pa ng share ni gf Ayun na nga, boom at nagclick! Naglabas sila ng pera talaga Na kung susumahin madami na sanang BCH yun Lalo sana kung open-minded sya sa crypto Eh di si unang nagtayo ng kubo Lahat ng klase ng pagkain gusto masolo Ayaw nga bigyan halos yung ibang pwesto Pinagbigyan sila Pero ilang araw pa lang dami ng reklamo Bagal ng service, cancel order pa kamo Kaya si kilala ko para di masira ang imaheng inuumpisahan Sila kumakausap sa mga tao Bigay ng libreng pagkain at kung ano-ano Para lang mapahupa ang galit ng mga ito Kasi sa tindi ng social media Isang post lang sira ka na Di na nila makikita kung anong mga nagawa mong maganda. Ang usapan magbigay ng sampung porsyento Sa net na kita dalawang beses sa isang buwan Kaso ito na, bigayan na Aba ang sabi ba naman wala silang kita Eh barbeque nga nila bente pesos isa Tapos ang liliit pa Tapos sasabihin mo wala kang kita Ni record wala? Eh samantalang si kumander ay tindi humawak ng pera! Tsaka alam ng mga empleyado tungkol sa porsyento Pano mo iexplain sa kanila na ito lang ang ibibigay mo Eh halos di na nga sila makakain sa dami ng tao Hala, naloko na ano Kabig lahat ang gusto Tapos ang masaklap sila pa madami reklamo Mga utak ay sarado. Nakakafrustrate Lalo pag nakikita mo si kakilala Na ginagawa ang lahat para lang di masayang ang lahat ng effort nila Na di lang mga dayo ang masaya Kundi lahat ng empleyado Di lang iilang tao Kasi ang babalikan di naman dahil lang sa pagkain na inihain mo Kundi dahil sa ganda ng view at serbisyo Dahil kahit anong sarap ng handa mo Kung ang tao mo ay barumbado Tiyak isang araw lang lugi na negosyo. Kaya si kakilala Iiling-iling na lang talaga kanina Mas matindi pa ang stress nya sa kanila Kaysa sa regular work nya. Kaya dasal ko Sana Lord sya ay gabayan Ninyo Na ang pasensya nyang isang libo Ay habaan Nyo pa po Ng mga hangarin at adhikain nya ay magkatotoo Dahil di naman sarili ang iniisip nito Kundi pinaglalaban nya lang Kung ano ang tama na para sa tao. ...^•°... Hanggang dito na lang kaibigan ko Sakit na ng ulo ko Bukas na lang ulit at magandang gabi! Lead image is from Unsplash! #originalcontent
4 comments
Sino ba yn, sugurin na yan...nakooo napakahirap ng ganyang senaryo. Ba yan pate ako ngrhyme hahahah
Hahaha, grabe talaga sis!
Hahahaha. Ang kulit ng kay Firenze. Yan ang mahirap sa ganyan. Sakim na yun kapag ganun di ba? Gahaman? Sana marealize niya mga ginagawa niya habang maaga pa. Sayang din lang kasi ang pagpopromote sa lugar kung masisira lang din dahil sa kanya/kanilang mag-asawa. Yan yung mga hindi magandang maging leader. Very very wrong.
Kaya nga, stress si ate..hehe