read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Di ako makatulog

Ang isip ko ay gusto ngg magpahinga Matulog ng maaga Pero ang diwa ko sadyang ayaw pa magpahinga Lumilipad kung saan-saan Di naman alam saan papunta Kung dadapo pa sa kapitbahay at makibalita Speaking of, Kanina sa Kusina bandang lunch May ganap na shocking talaga Yung anak ng may-ari ng lupa Na sya ring head na sa Kusina Nagpatawag ng meeting Di na sya makapagpigil Galit na galit Pinagsasabon kasama banlaw Yung isang may-ari ng stall Pano ba naman kasi, usapan magsasara nung March 31 Kailangan kasi mag-disinfect para iwas covid Eh ang mga tiga-RHU nagrandom check Nakita si Kusina bukas besh! Nireport sa provincial office Eh si madam pala ang tiga-check Ayun, nahuli! Nahuli na, nagdeny pa Ang masaklap, si kapatid ko napagbintangan pa Sya daw nagsumbong at naninira sa kanila At di lang yun! Sabi pa ayaw daw kasi nila na masayang lakad ng mga customer na dayo at sindya pa Tsaka yung anak ng kasamahan namin nadisgrasya ipantutulong sana Hala! Eh di si madam lalong nagpuyos sa galit Dahil nagpapalusot pa! Buti sana kung totoo at katanggap-tanggap rason nila Ang masakit kahapon maghapon si madam sa Kusina Di man lang nila pinapansin at dinaan-daanan lang nila Na ang dating eh nagmamalaki pa sila Eh palaban si madam, ayaw ng ganun Dahil kung tutuusin any moment kayang-kaya nilang sila ay palayasin Dahil lupa nila yun at walang kontrata sa pagpayag nila na idevelop si Kusina Tsaka nabasa na din kasi nya mga ugali nila Na pati mga tao nila ay kanilang kinakawawa Pumapasok halos dose oras kada araw Tapos 150 lang ang sahod Kulang na nga sa sahod, gutom pa inaabot Kaya sabi ni madam Sana ang sahod ay pantay-pantay Sa lahat ng tindahan Para iwas inggitin at lipatan Tsaka sana walang kanya-kanya Dahil lahat sila ay partner sa kusina Pero sumagot-sagot pa si mister at misis May right daw sila Eh di lalong nagpanting ang tenga Sabi nya pwedeng-pwede ko kayong palayasin Dahil si Papa ayaw nya sana na ipagalaw ang lupa Pero dahil sakin at nakita ko ang dulot nyang maganda Nakakapagbigay ng trabaho at napapanatili ang kalinisan ng lugar Pinaglaban ko kayo, tapos ito ang igaganti nyo? Wala na ngang upa nagmamalaki pa kayo? Nasa kalagitnaan ng sermon si madam ng biglang kablaaaammmm! Ayun, yung isang atv bumaligtad Tumbling tatlong mga bagets na kababaihan Pero wag kayong mag-alala okay lang sila After ayusin eh andar at takbo na ulit sila. Pero galit ni madam di nabawasan Ilang araw din kasi syang nagtimpi At tagal na nyang nagbibilang Sabi pa nya wag syang subukan Eh ang tatapang, sinagad ang galit Buti na lang nagsabi si ate 'sana maayos, ayusin natin ito dahil sayang naman ang ating proyekto' Kaya si madam medyo nahimasmasan At ang sabi na lang, 'Kung mag-sorry kayo baka magbago pa isip ko' Eh si misis lumapit sa tabi, sabay bulong ng sorry At si mister ayon nag-sorry din Tinanggap ni madam kahit ramdam nyang di naman sincere Pero sabi nya, last chance na nila Isang-isa na lang, sila na ay mag-alsa balutan. ...^•°... Sadya ngang pambihira ang nangyari kanina Yung iba maiintindihan ang side ni madam Pero ang kalaban iisipin nila pinagkakaisahan pa din sila At ijajustify mga actions nila Sana lang maging maayos ang lahat Pinagdadasal ko na mabalik ang dating samahan Yung walang inggit, walang negative Lahat nakangiti, lahat may ngiti sa labi. ...^•°... Lead image is from Unsplash. #originalcontent

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.