Walang Pera
Ang hirap ng walang pera Nakakatulala Minsan nakakapraning pa Lalo pag kumakaway na Mga bayarin at iba pa Pero bakit nga ba pag walang pera Lalo kang nagiging gutumin bigla Mainit ang ulo Onting kibot, hay naku! Pati gamo-gamo napapansin mo at napag-iinitan ng ulo! Minsan pa nga sa kakatipid mo Mawawalan ka pa ng sentimo Naku sakit sa ulo! Pero sa mga pagkakataong walang-wala ka May mga dumarating na biyaya Na di mo inaasahan mula sa iba O kaya makakapulot ka O may biglaang raket mula sa talentong kinalimutan mo na Gaya na lang nung ilang linggo na nakakaraan Malapit na ang due ko sa isang kautangan Biglang si waifu aking nabalitaan Aba tinapangan ko bes Pinambili ko kita ko ng isang linggo Nasa $9 yata sya Bumili ako, $8.97 presyo Binenta ko din agad kasi excited ako Aba biruin mo kinahapunan Isang notification natanggap ko Nabenta ko daw itong isa kong waifu Kumita ako ng di lang sampu Pero dalawampung dolyares pa kamo Napapangiti na lang ako Nagpapasalamat sa Panginoon ko Agad kong binalik puhunan ko Sabay lipat sa ating sariling peso Problem solved si utang! Isa pang halimbawa Para humaba itong ating istorya Mauubos na gatas ng aking unica Eh di isip ako san kaya kukuha ng pera Matagal pa katapusan ayuda mula sa aking kapatid na nasa ibang bansa Biglang isa tita nagtanong Musta yung halaman mong maganda? Sabi ko ayos lang naman, madami na syang sanga Iuuwi ko bukas at ipapa-top cut natin at ng mabenta Eh di sige-sige! Sagot kong mahina Para ang saya ko ay di masyadong halata Kinabukasan, pinasuyo ko kay kapatid Halaman ay madala agad kila tita Pagkalipas ng ilang araw Binalik ang aking halaman, putol na sya Pero wag ka Si tita may sinuksok sa aking bulsa Pagtingin ko, aba may 1500 sya! Ang saya-saya di ba? Ang pera kasi madaming nagagawa Minsan maganda, minsan naman ay masama Pero kung wala ka na ngang pera Tapos magmumukmok ka pa At isisi mo ang kawalan mo sa iba Naku eh di good luck ika nga Lalo kang lalayuan ng grasya O kaya lumalapit na ang grasya tinaboy mo pa Dahil ang utak mo ay nakasara Sa mga sagot sa iyong problema Imbes na iaabot na sa'yo ang biyaya Ayan tuloy binawi na Pera na naging bato pa sabi nga ni lola. Kaya kaibigan, pera ba problema mo? Bat di ka magdasal ng taimtim Ibulong ang iyong hiling At maniwalang ito'y makakarating Sa saktong oras at panahon na iyong kailanganin. Kaya kaibigan, pera ba problema mo? Tingin ka sa itaas oh! Oppsss, butas na dingding nakita mo😁 Biro lang Tingin ka sa itaas At managlig kay Bro! Inaantay lang kaya dasal mo Ikaw kasi busy ka masyado Eh instant kaya sya pag mamigay ng aginaldo Di lang yan dumarating pag pasko Dahil araw-araw binibigay Niya ito Sa akin at sa iyo.☺️ ...^•°... Salamat sa pagbabasa kaibigan Oras na ng tulugan Dahil ako'y inumaga na naman Paggising ako na naman ay mauunahan Ng aking anak na may kakulitan😁. Lead image is from Unsplash. #originalcontent
4 comments
Perfect examples of God will provide. Pero totoo yang magmumukmok, magrereklamo at isisisi pa sa iba ang kawalan mo ng pera. Yung bakit hindi ka na lang gumawa ng bagay ng pagkakaperahan. Naalala ko yung isang story ko about Frank. Isinisisi niyang wala na siyang magulang, hindi tapos sa pag-aaral kaya ganun nangyayari sa buhay niya. Pero bakit naman yung kapatid niya nakapag ibang bansa at nakabili ng bahay kahit loan. Mas madali kasing isisi sa iba ang mga kamalian sa buhay. Oh well, basta push lang tayo sa mga raket. Matatapos din ang ating mga kautangan. 😁
Tamaaaa! One step at a time sis☺️
Hahah! Butas nga din ung nakita ko sa taas 😂 Anyway, kakarelate much after ko mag bayad ng utang lol! Of course, lagi nmn talaga tau ma amaze sa provision ni Lord. Amen!
Yap, gagawa at gagawa sya ng paraan☺️