Luha
Di ko mapigilang lumuha Ng magkwento ang aking unica hija Sabi daw kasi ng tito nya Ayain daw nila daddy nyang uminom pagdating mula Manila Anong sagot mo, tanong ko sa kanya 'Di ako sumagot Mommy, sabi nya Naiiyak na kasi ako kanina, pinigilan ko lang dagdag nya pa' Bakit, tanong ko ulit 'Miss ko na kasi si Daddy sobra'. Aw ang sakit mga besh Durog to the max na naman ang puso ko Di ko napigilang tumulo luha ko Sabi ko na lang, tara drawing tayo. Grabe, habang tumatagal hirap na din ako Kailangan ko na talagang mapauwi si mahal ko Di lang para sakin pero kay Yuri lalo Ayoko na sa edad nyang ito ay makaramdam sya ng sobrang pangungulila Baka darating ang araw magdamdam sya Na ang video call ay di na sapat para sa kanya Dahil nakikita nya pinsan nya kasama ang mama at papa Tapos sya kasama daddy nya pero sa cellphone pa Hay covid, bat ba kasi ayaw mo pang mawala Hirap na hirap na kami sa iyong abala Sinasaktan mo lalo mga bata Pano ka ba talaga masusugpo ha? Pero mananalig ako at patuloy na magdadasal Dahil si Lord ay di tayo papabayaan Pasasaan ba at bigla na lang itong mawawala Gaya ng pagpapagaling nya sa mga taong buong-buo sa Kanya nagtitiwala Si covid ay tuluyan na ding mapupuksa At isa na lang syang kwento sa mga bata. Kaya Yuri baby Wag ka na umiyak ha Si Daddy ay ating pauuwiin na wag ka mag-alala Ayusin nya lang mga kailanganin nga Para makauwi ng matiwasay at walang sakit na dala Para kayo ay makapaglaro na At makagawa ng ginger bread house na pangarap nya At di na kayo maghuhulaan ng pagkain sa umaga Dahil magkakasabay na ulit tayo kumain mula umaga Hanggang sa gabi, tayo ang magkakatabi Dahil ganun ka namin kamahal baby. ...^•°... Salamat kaibigan at ikaw ay napadaan. Sana ay di kayo magsasawa na aking mga post ay babalik-balikan. Hanggang sa muli! Lead image is mine. #originalcontent
1 comment
Ouuuuch. Huhuhu. Konting tiis na lang Yuri. Sana talaga mawala na si COVID. Grabe na talaga ang naidudulot nito hindi lang sa mga matatanda at pati na rin sa mga bata. 😢