Pasensya na
Anak, pasensya na Tao lang si Nanay Napupuno sa kakulitan at kaingayan mo Gusto nya lang din ikaw matuto Sa kung ano yung ingay na nakakatuwa at nakakaistorbo Dahil ayaw nya na ibang tao pa manita sa'yo Baka kasi pag ganun ang nangyari Ay mapaaway pa sya sa pagtatanggol sa'yo Masakit kasi sa Nanay na pinapagalitan ng iba ang anak nila Para bang sya ang napapagalitan ng bongga Dahil para kay Nanay isa kang kayamanan, diamante kumbaga Na di pwedeng alipustahin o saktan ng iba Di baleng sya na ang masaktan Wag lang ikaw na supling nito. Anak, pasensya ka na Napagsasabihan at napapagalitan ka ni Nanay Gusto nya lang kasi habang bata ka pa Matututo ka na sa mga simpleng bagay Ayaw nyang lumaki kang suwail at pasaway Ayaw ka din nyang nananakit ng kapwa Ganun din ang manlamang ng ibang tao Sana maintindihan mo na ito'y para sa iyo ding kinabukasan Kung nasasaktan ka O kaya akala mo galit si Nanay Nagkakamali ka Ayaw din nya sumigaw, magalit at magtampo Kasi mas higit ang sakit at bigat sa kanyang damdamin at puso Di nya lang maipakita pero sya ay sa dilim lumuluha Ang puso nya'y nadudurog pag iyon ay kanyang ginagawa Pakiramdam nya may nagawa syang di tama Na baka nagkulang sya O di naman kaya ay napapabayaan ka na nya. Napapaisip sya bago matulog sa gabi Mabuti ba kong ina? Tapos hinahaplos ang buhok mo Panay halik sa iyong noo Nagsosorry ng paulit-ulit sa pagpapaiyak sa'yo At sinasabing, anak I love you! ...^•°... Uy kaibigan, salamat at ikaw ay napadaan Sensya na di ito tungkol sa bitcoin, bch o anupaman Gusto ko lang maihabagi ang damdamin naming mga nanay Na aking natutunan nung ako'y naging isang din sa kanilang hanay Na pati ang pagdamit at pagsuklay Ay talaga palang nakakalimutan nang tunay Pag si anak ay umiyak at nag-ingay. Salamat ng madami at ingat palagi! ...^•°... Lead image is mine. #originalcontent #randomshot
9 comments
Tamang tama ate. Yung tumutugtug na music ko ngayon is yung Anak by Freddie Aguilar. Mas naramdaman ko bawat bitaw ng mga salita. Super heartwarming. 😚
Salamat, send ko nga to sa email ng anak ko para mabasa nya paglaki nya..hehe
Makata ka sis ha.. On point lahat ng sinabi mo. Tayong mga nanay na ang masaktan, laitin at maliitin, wag na wag lang mga anak natin... Pachuchay here😂
Aw, kaya nga sis...salamat pachuchay☺️
Heartwarming 💓💓 di pa ko makarelate msyado hihihihi pero ganun namn tlga ang ina, kahit na matanda na anak nila eh grabe pa din magprotect.. Ganyan si mama nung muntik na ko himatayin sa hospital. Laki kong to nagpapanic nanay ko
Hahah, wala kasi resign-resign pag nanay sis.. 😁
Parang naging mga makakata ang mga nagcomment matapos nilang mabasa ang iyong artikulo. 😎 can't relate kasi hindi pa ako nanay pero alam ko nga kung anong sakit ang nararamdaman ng isang ina kapag nakikita niyang nasasaktan ang kaniyang anak. Yung recent lang na nasaktan yun nanay ko nung post op check up ko. Yung tinatahi ulit ako pero hindi tumatalab yung anaesthesia na humihikbi na lang ako sa sakit. Aba ang nanay ko naririnig ko na nakikiiyak din. 😁 kase nga nakikita daw niya ako nasasaktan. 💗💗
Hahahah, nakakahawa ba...😁
Hahahaha. Siguro. Sabagay nung siya din in pain parang binibiyak din puso ko noon. Kaso kailang pa strong para hindi siya panghinaan loob