read.cash Log in
@bbghitte more from that month

Susugal ka ba?

Susugal ka ba o aayaw na Tutuloy ka ba o aatras na Bibitaw ka ba o onting kapit pa Magtitiis ka ba o pipiliin mo ng lumaya Lumaya sa damdaming pinipilit mong itama Pero sadyang iba na, nagbago na Lumamig na ang dating mainit na pagsasama Na dati akala nati'y di na mabubuwag pa ni kupido o ni tadhana Pero ganun yata talaga Pag di naaayon kahit anong pilit natin Talagang si tadhana ay di sasang-ayon Pero sabi nga ni Julia, 'Pinilit naman natin di ba?' Kaya thank you ha Sa mga masasayang alaala Mga panahong ang puso ko ay buo Na ang saya at ngiti ko ay di maitago Buo ang paniniwala ako Papana ulit si kupido At sana this time bullseye na ito Para naman masabi ko ulit ang katagang 'I love you!'. Oh, nagulat ka ano Di ko yan kwento Napagana ko lang ang aking pagkamata na talento Tsaka gusto ko sana ito lagyan ng tono Kaso napakahirap naman yata nito Beat at melody ay wala pa sa isip ko Sinusubukan ko habang sinusulat ko itong artikulo Kaso iba ang narealize ko Na mahirap pala talaga bumuo ng isang kanta Kahit sabihin nating pucho-pucho Aba gagamitan pa din pala talaga ito ng talento Masusing pag-aaral at dagdagan mo pa ng pagiging romantiko kahit papano. Sa ngayon, sa Detoken muna ako susugal Matalo man o manalo ayos lang Subok ulit kinabukasan kasi ganun din naman Di natin makukuha ang gusto natin kung di nati susuhan Buti na lang madaming kaibigan na handang umalalay kung kailangan. Lead imahe is from Unsplash #originalconenr

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.