Excited si mahal ko
Mahal ko Bukas na natin icelebrate ang birthday mo Mag-6 ka na, ang bilis ng panahon ano At dahil halos 1 week lang naman pagitan nyo Ni Jac na pinsan mo, sabay nalang para tipid tayo. Excited ka masyado Ramdam na ramdam naming lahat dito Bumili si tita mo mga pang-giveaways nyo Di mo na naantay na matapos ako sa ginagawa ko Inumpisahan mo na agad-agad paglalagay ng laman nito At talagang ikaw ay lang may panggulat May inabot kang tuping papel
At ng buksan ko Aba, listahan pala ito ng mga handang gusto mo! May cake, spaghetti, macaroni, fruit salad, pansit at may pang-giveaways pa
Aba anak, daig mo pa ang nanay mo sa galing mong magplano Di ko nga naisip ito dahil ang punong abala ay si tita mo Nag-abot lang ako ng kaunting budget at sya na bahala dito😁. Sensya na pala sa spelling, 6 pa lang kasi si baby ko Pero mabalik tayo Masaya na malungkot ako kasi 1st birthday mo na di natin kasama si daddy mo Pahirap kasi tong si covid Gustuhin nya man makauwi, kaso di pwede Sakitin si lolo at lagi gusto mapuntahan ni daddy lalo pag may kailangan ipabili Sulitin na lang sa video call muna 😁 Anyways, tama na ang drama At ang importante masigla at malusog ka Na kahit makulit ka at napapagalitan kita Eh love na love kita At pipilitin namin ni daddy na mabigyan ka ng magandang bukas Na kahit anong gusto mo paglaki mo Eh susuportahan ka namin ng todo Tsaka yung mga bilin ko sana dala-dala mo hanggang sa paglaki mo Na di mo kailangan maging sobrang matalino Mas gusto ko na maging mabait ka, madiskarte at mabuting tao Kasi kahit anong talino at galing mo kung di ka naman mabait sa kapwa mo Wala din silbi ito Walang kaibigang gugustuhin kang makasundo. At ang ultimate wish ko ay gabayan ka lagi ni Lord Protektahan, alalayan at bigyan ka pa ng madaming birthdays na ating pagsasaluhan Na kung anuman ang iyong pangarap sa buhay ay iyong makamtan Na anuman ang balakid na darating ay iyong mapagtatagumpayan. Mahal na mahal kita anak ko at maligayang kaarawan sayo🎂♥️. ...^•°... Salamat sa iyong pagbisita aking kaibigan Sana ay iyong nagustuhan Aking tulang kwento ngayong Biyernes ng gabi. Hanggang sa muli! ...^•°... All images are captured by me. #originalcontenr
11 comments
Advance happy birthday Yuri. 🥳🤗 ikain niyo na lang ako ng masasarap na handa ninyo. Ihigop niyo din ako ng malamig na milk tea at sa huli ay isang hiwa ng cake at mangkok ng ice cream. At bakit para yatang nakikimakata ako? 😅 enjoy your birthday baby girl. And also advance happy birthday to Jac. 🥳🤗
Salamat po tita at sa pa-ayuda♥️♥️♥️
Happy bday po sakaniya ❣️
Salamat♥️♥️♥️
Advance happy birthday bebe Yuri. Stay pretty and mabait to your momshie and dodshie. (ano daw?) hahaha. Goodluck bukas sis. Wait ko na lang ang masasayang pictures bukas. Pafood panda naman sis hahaha
Hahah sige sis, samahan ko ba ng lobo?☺️
Happy birthday yuri .. enjoy your day
Thanks po!!!💓💓💓
Ang ganda ng tulang ito. Heartwarming. 🧡 Happy birthday Yuri... kunting tip dito for Yuri's bday, sensya na, walang laman ang wallet dito... dagdagan ko na lang sa noise pag may binigay na din na FT. 😘
happy birthday po and God bless you and your baby more po..
Thanks☺️