Mga Tula ni Bb (Part 2)

0 21
Avatar for bbghitte
1 year ago

Nabasa mo ba yung una?

Naku kung hindi

Wag ka ng mag-abala

Ayos lang ano ka ba

Ako nga di na sila tanda😁

Ito na lang

Baka sakali makapulot ka ng kahit onting hugot o inspirasyon ba.

...^•°...

'Forex'

Noong isang araw

Ako ay nasabihan

Ang 'forex' daw ba ay akin nang nasubukan

Sabi ko, hindi pa

Naririnig ko lang

Dahil si gf ni kapatid

Noon ay dyan nahilig

Puyat ang inaabot pero sulit na sulit

Subalit sya ay natigil

Dahil sa career at sa pag-ibig

Kaya mula kagabi

Ako ay sa youtube naghanap

Nang ang basic naman ay aking matutunan

Subalit di ko namalayan

Ako pala ay ginupo na ng antok

Ang naalala ko lang ay yung pips at spread

Ngayong gabi aking itinuloy

Nalaman ko naman ibig sabihin ng candlestick, stop loss at take profit

Kaso ang kalaban ay akin na naman naramdaman

Kaya bago pa ulit ako matalo

Ito, magsusulat na muna ako

Ang sarap matuto, sarap sumubok ng bago

Malay mo, di man nag-click sa crypto

Baka sa forex, mahanap ang magandang kinabukasan na hinahangad ko

Kaya mga kaibigan

Baka ikaw ay may alam

Pa-share naman!

...^•°...

'Titulo'

Noong mga bata tayo

Sabi ng nanay at tatay

Mag-aral ng mabuti

Igagapang namin ang iyong pag-aaral

Makamit mo lang ang minimithi mo

At magkatitulo

Sa murang edad di naman natin alam ito

Basta nag-aaral lang tayo ng mabuti

Nang sa gayon di tayo pagalitan pag-uwi.

Habang nagkakaedad

Nakikita natin ibig sabihin nito

Titulo, titulo

Nagagamit ito

Importante ito

Pag wala ka nito

Ibang tao, iba ang tingin sa'yo

Taas, baba sabay taas ng kilay pa ng mga ito

Na tila ba sa titulo exempted ka nang magkamali

Kung baga sa pila

Andun ka sa lane ng priority

Nitong nakaraan lang

Nawitness ko

Sa mismong Ate ko

Habang nagtitingin kami sa surplus

Di kami inaassist ni aleng maganda

Imbes na samahan kami, ituro mga pwede nyang irekomenda para sa amin

Pero wala di namamansin

Kaya ang ginawa ng kasama namin

'Miss, samahan mo mga si Madam namin may hinahanap sya, paki-assist madami syang bibilhin'

Kaya si Ale, dali-daling tumayo at lumapit kay Ate

Sabay hingi ng 'Pasensya na po Madam, dito pa tayo'

Parang si BBM

Dahil sa in question ang kanyang diploma

Mga ibang tao

Kung manghusga akala mo na ay perpekto

Na porke't sila ang may titulo

Para bang may karapatan na silang manlait ng kapwa tao

Na para bang sila na lang ang perpekto

Pero sa akin

May titulo o wala

Maging mabuting tao tayo

Wag nating kalimutan ito.

...^•^...

Hanggang dalawang tulang kwento muna mga kaibigan

Antok ko ay di na talaga mapigilan.

...^•°...

Lead image is mine.

#originalcontent

#bbghitte

1
$ 0.00
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
1 year ago

Comments