Mga Tula ni Bb
'PAGMAMAHAL AT GALIT'
Naghihimutok
Ang puso at isip
Sa labis na pagmamahal
Na bakit sa kagustuhan mong itama ang isang mali
Ay kailangan mong makasakit at masaktan
Kailangan mong tiisin
Masasakit na salita
Kailangan sambitin
Na kahit di mo nais sana
Ay kailangan mong mailabas at maisambit
Para sana maliwanagan
Mauga at lumambot
Ang pusong nagiging bato na
Bato dahil sa kagustuhang maayos ang isa
Subalit ang kabila ay unti-unting nasisira
Tahimik lang pero parang nagkawatak-watak na
Na may mga luhang di na kailangan ipakita
May mga salitang di na nasasambit
Kinikimkim na lang para lang maayos
Para lang di na lumala pa
May mga hinanakit na sa ibang tao na lang inilalapit
Para lang di na makadagdag sa dagan at bigat ng damdamin.
Pagmamahal na di na nakikita
Nababalot na ng pagmamahal na di kayang piliin kung saan ba
Bakit nga ba ganun ang pag-ibig
Napakadaming komplikasyon
Na di mahanapan ng gamot
Kaya ito, sa Diyos nagsusumamo
Ipinapaubaya ang bigat na dala
Para mamaya ay okay na
Para bukas ay haharap na ulit sa panibagong umaga
Ng may ngiti sa labi at sa mata.
...^•°...
'Mugto'
Namumugto ang mata
Sa kakaiyak, kakatawa
Malungkot, masaya
Nakakalito di ba?
Oo, tama
Ako din ay hirap ng ipinta
Dahil matang di na maidilat pa
Ang lungkot na nadarama
Hirap ng itago pa
Gusto mong umasta
Na ayos lang, walang problema
Pero darating pala
Sa panahon na di mo na kaya
Kaya iiyak mo na lang
Mahirap ikain kas magastos yun di ba
Buti ang iyak, libre pa
Pero seryoso
May hangganan ang mga pagtitimpi ng ating mga puso
Napupuno din sya
At ang pag-iyak ang tanging paraan
Para magkaroon ng sapat na espasyo
Ang pag-iisip ng matino
At nang pag tinapik tayo ni Lord
Di tayo lutang at nalilito
Kaya okay lang mamugto ang mata
Minsan nga mas maganda pa tayo sa umaga
Dahil paningin natin ay umaliwalas bigla.
...^•°...
'Nalasing si Jr'
Umaga pa lang
Katabi na si Gin
Sumama pa si kambing
Sarap na sarap
Sabi perfect timing!
Di nakikita talim ng mata
Ng misis na galit na
Pati anak ay nakapamewang
Tanghali, iba naman ang katabi
Umalis na si Gin, si RH ang pumalit
Aba, di lang nag-iisa si RH
Nagtawag ng tropa, anim sila
Kaya nung tumagal
Ayon sumipa
Dumaan tuloy si Kambal
Napagtripan nya
Kambal, may tanong ako sigaw nya
Eh di maganda ang pandinig sa sabi nya
Ayun si Jr, nabawasan ng turnilyo
Hinabol sa Kambal hanggang kanto
Binugbog nya ito
Kawawang Kambal, maga ang mukha nito
Kaya sa iba dyan
Kay Gin at RH, iwas na please
Lalo kung di mo naman pala sila kayang awatin🙂.
...^•^...
Lead image is from Unsplash.