Mareng Talangka

2 23
Avatar for bbghitte
3 years ago

Uy mareng talangka andyan ka pala

Narinig mo ba ang kumakalat na balita

Nireport daw sa barangay ang pagpaparenta ng atv nila Aling Sylvia

Ang sabi daw, 'yang mga atv dyan akala mo kung sino magpaandar, ang iingay! Kung gusto nila ng pabonggahan, magpapagawa din ako sampung kubo dito sa harapan!'

Kaya itong mga pulis sumugod bigla

Buti na lang mga atv ay naiuwi na

Akala mo tapos na?

Aba, aba, aba, hindi pa!

Dahil pati pala sa munisipyo yun na ang usapan nila!

Hay, buhay nga naman ano

Mga tao, kung mainggit ay panalo!

Imbes na magtulungan at maging masaya sa kapwa

Aba eh nanghihila pa talaga ng pababa

Ay sorry Mareng Talangka, ganun pala ang tingin sa'yo ng iba!

Nakakalungkot mga naman isipin na may nga ibang tao na di natutuwa pag yung kapwa nila ay nakakatikim ng konting ginhawa.

Para bang ang sama-sama na agad ang tingin nila na para bang nauungusan sila at yung dating kaibigan ay ginawa na nilang kakumpetensya.

Na ambilis nilang manghusga at magtapon ng masasakit na salita na di man lang inisip kung makakasakit o makakaapak na sila.

Na tila ba ilang taong pinagsamahan ay basta na lang nakalimutan at ibinasura.

Sa mga ganitong pagkakataon mo talaga tunay na makikilala

Mga taong mabilis kang bitawan bigla

Mga taong sa isang iglap ay halos di mo na kilala

Yung tinatawag na friendship over ba.

At dito mo din makikilala

Mga taong sa iyo ay tunay na may pagpapahalaga

Mga taong solid ang suporta

Kahit nasa taas o ibaba ka

Mga taong patuloy kang susuportahan ka sa hirap at ginhawa

Sa sakit at dusa

Lalong lalo na sa panalo at saya.

Kaya ikaw Mareng Talangka

Wag kang gagaya sa iba ha

Naniniwala ako na ikaw ay totoong kaibigan ko

Sana ay di ka magbago

Hanggang sa ang 1BCH ay ating mabuo.

...^•°...

Kaibigan salamat sa iyong pagdalaw

Pasensya ka na at tinagalog ko

Mas nailalabas ko kasi ang nasa loob ko pag tagalog ang gamit ko

Nasaktan lang kasi ako sa narinig ko sa dagat kanina

Na sa ganda ng panahon ay ganun naman kasama ang nasagap namin balita

Pero wag kang mag-alala dahil ako'y okay na

Ikakain at itutulog ko lang to mamaya.

Hanggang sa muli at magandang tanghali!

Lead image is mine.
#originalcontent #readcash

2
$ 0.30
$ 0.30 from @TheRandomRewarder
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Magaling, magaling,magaling

$ 0.00
3 years ago

Salamat!

$ 0.00
3 years ago