Mamang nakatalikod

0 19
Avatar for bbghitte
3 years ago

Mamang nakatalikod

Hanggang kailan mo ba balak na ako'y di lingunin

Na kahit anong aking gawin ay di mo pinapansin

Di naman ako pangit sabi ng aking amang butihin

Di rin naman ako mukhang gusgusin.

Ang lalim naman yata ng iyong iniisip

Na tila ba di mo naririnig aking pagsitsit

Di rin alintana ganda ng langit

Pati ang pagsigaw ni Aling Pasing

Nang nasunog na daw kanyang sinaing.

Mamamg nakatalikod

Sana sa iyong pagninilay-nilay

Ngiti mo ay biglang sumilay

Nang gumanda naman ang paligid ng abang inday

Dahil nakakainip din pala ang maghintay.

Ikaw ba ay may problema

Kanina ka pa kasi nakatulala

Ilang bato na ang nahahagis mo kanina pa

Di ko tuloy alam kung galit ka

Pero wag naman sana dahil ayokong pumangit ka

Di yata bagay sa'yo yun aking sinta.

Oh di ba na-claim ko na

Hay, kung di lang sana ako dalagang Pilipina

Ikaw ay nilapitan ko na

Pero sadyang mahiyain ako talaga

At nagtatyaga na lang na sulyapan ka.

Isang lingon mo lang

Please, ibigay mo na

Dahil mga lamok ay pinapapak na ko kanina pa

Wag mo ng ipagdamot ano ba

At ng makauwi naman ako ng maaga-aga

Para di na naman ako masita ni inang reyna.

Bakit ba kasi ikaw pa ang nakabighani

Sa aking pusong matagal kong iningatan at itinali

May iba naman dyan na nagpaparamdam palagi

Pero sadyang puso ko ay ikaw ang hanap palagi

Hanggang kailan ay di ko tuloy masabi.

Mamang nakatalikod

Magbibilang na ko ng sampu

Pababa na ang araw at gagabihin na ko

Di ka pa rin ba matitinag dyan sa pwesto mo?

Aw, sakit pala talaga

Ang role ng taong umaasa

Kahit nagmumukha ng tanga

Ay di nya alintana

Masilayan lang ang kanyang sinisinta

Pero sana talaga isang araw ay di ka na lang isang malaking SANA

Kundi isa ka ng malaking sorpresa.

Paalam mamang nakatalikod

Bukas na lang ulit ako magbabakasakali

Miss, sandali!

Oppssyyy, ang puso ko ay biglang nabato-balani

Ah eh, bakit? Lang aking nasabi

Di ba ikaw si Carol anak ni Aling Lily?

Oo, mabilis pa sa alas-kwatro bitaw ng aking labi

Pwede bang sumabay? Dagdag mo pa

Sagot ko naman ay sige ba!

Tsug, tsug, tsug

Ang puso ko ay tila ba sasabog na

Kaya tapusin ko na itong aking tula

Basta ang ending ay alam nyo na!

...^•°...

Salamat sa pagbabasa

Aking mga kaibigang makata

Sana ay inyong nagustuhan

Tulang kwentong inyong natunghayan.

...^•°...

Lead image is mine.
#originalcontent

2
$ 0.26
$ 0.26 from @TheRandomRewarder
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments