Lutang
Minsan sa buhay
Para kang lutang,
Parang paro-paro
Di malaman anong gusto
San paroroon at dadapo
Naghahanap ng daan
Pero di naman malaman kung nasaan
O may nakita naman
Kaso lang di sigurado
Papasukin ba ito o lalagpasan na lang
Walang direksyon
Gusto subukan pero takot naman ito
Gusto magkaroon ng ganito, ganyan
Pero ayaw naman gumawa ng paraan
Di alam kung tamad ba
Nasanay na sa okay lang
Umaasa na lang sa biyaya mula sa iba
O sadyang lutang at di alam ang tamang daan
Nagdadasal naman
Panginoon, ako ay iyong tulungan
Ituro sakin tamang gagawin
Makilala mga taong sakin ay aagapay
Iba-iba, paisa-isa
Pero sadyang lutang
Ang gusto ay di talaga malaman
Ubos oras kakaisip
Paano, paano
Tik-tak, tik-tak
Magpapasko na
Ilang araw, bagong taon na
Ang isip at katawan mo ay di pa handa
Anong bagong mithiin para sa bagong taon
Anong mga babaguhin
Anong mga aayusin
Anong daan na ang tatahakin
Dasal lang, tiwala lang
Walang imposible
Lahat naman ay dumadaan sa ganyan
May mabagal, may mabilis
Pero panigurado
Kung lutang ka ngayon
Bukas makalawa ay hindi na
Kasi nakakapagod din yun
Kaya mabuti pa, itulog na
At bukas ay panibagong simula
Ngumiti, magbunyi
Sapagkat madaming magbubukas na oportunidad para sa ating lahat.
...^•°...