Luha

0 20
Avatar for bbghitte
1 year ago

Pumatak ang madaming luha

Tampo, sakit at hinagpis

Dulot ng mga pangyayari

Sobrang masakit

Kahit anong sabihin

Payo, babala, mahinahon at masakit na salita

Wari di naririnig

Di natitinag

Daig pa ang kawayan

Pag malakas ang hangin tila ba mabubuwal

Pero iba ka

Ang tigas mo, ang tigas ng puso mo

Pano mo nagagawa

Di ko masagot talaga

Ikaw na ay talagang nag-iba

Lintik na pag-ibig sabi nga ng kanta

Sabihin mo ng madamot, istrikto at masama

Ang importante mabigyan ka ng payo at babala

Dahil mahirap magsisi sa huli

Lalo pa kung buhay ay di na mababawi

Kaya dasal sa Diyos palagi

Pusong mapagmahal, mapagpakumbaba

Pusong marunong makinig di lang sa isip kundi pati sa bulong ng damdamin

Na sana wag balutin ng kung ano pa

At makitang malinaw

Na ang tunay na nagmamahal at nagmamalasakit

Walang iba kundi ang pamilya.

Mahirap, nakakatakot

Pero mas mabuti ng magkasakitan ngayon

Kaysa may mangyaring di na maibabalik ng panahon

Okay lang lumuha kung kapalit naman ay kaligtasan at kapanatagan ng isip at puso ng pamilya.

...^•°...

#originalcontent #bbghitte

1
$ 0.19
$ 0.19 from @TheRandomRewarder
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty

Comments