Love is Blind

1 16
Avatar for bbghitte
1 year ago

Love is blind nga ba talaga

O sadyang martir

O sabihin nating tanga na

Sorry for the word

Pero nakakainis naman talaga

Di ko maarok isipin

Na kahit anong pangit na ang pinakita

Ginawan ka na mismo ng masama

Sinabi na halos lahat ng marites

Na ganito sya, ganyan sya

Wag na lang sya, kaya mo naman mag-isa

Pero nagpupumilit ka pa talaga

Na ang mga taong nagmamalasakit ng totoo sayo at sa pamilya mo

Na sila pa ang nagbago

Na wala ka makitang ni isang kapintasan man lang nito

Na kapag sinabing nagbago na ko

Ni ha, ni ho di ka man lang nagtanong kung totoo ba ito

Ni ivalidate man lang di mo ginagawa

Yung nakakasakit ka na ng damdamin ng buong pamilya mo

Sya pa din ang pipiliin mo

Bulag ka ba?

Nagngingitngit ang loob ko

Dahil madaming nagmamahal sayo ng totoo

Yung mga taong di kayang saktan ang damdamin at loob mo

Pero ano ba ang pinakain sayo at ang tigas ng loob mo

Ang tigas ng puso mo para sa mga taong gusto kang protektahan

Dahil ganun ang love

Paiiyakin, sasaktan ka oo

Pero di ka babastusin

May respeto.

Love is not blind

We just choose to be blind.

#bbghitte

1
$ 0.00
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty

Comments

Love is not blind, being in love is but that rarely lasts long.

🍀♥️

$ 0.00
1 year ago