Kumusta kaibigan, ako ayos naman.
Kumusta aking mga kaibigan
Yari din lamang na akin ng naumpisahan
Subukan ko na lang ituloy ang aking tulang kwentong pang-practice laang
Ilang araw din akong di nagsulat
Wala akong maisip na titulo o kwentong maibahagi man lamang
Naging busy din kasi ang lola nyo
Dahil sa kasal ng kapatid ko
Napili kami ng asawa ko
Na gumawa ng kanilang souvenirs
Kaya sa tuwa ko, sa noise ko lang naishare ang mga larawang nakuhaan ko
Una ay ito
Pambungad, pansalubong sa mga bisitang kanilang naimbitahan
At dahil kasal
Ang isa kong kapatid ay nag-donate naman
Mga keychains daw sana
Kaya kami ng asawa ko ay gumawa agad ng paraan
Nanghingi ng kahoy kay tiyahing madaming kakahuyan
Sing-kwenta pirasong ganyan
Di rin pala sya madali
Matrabaho sobra mga kaibigan
Kasi mula sa sanga
Kailangan lagarihin, pakinisin pa ng bonggang-bonga
Bago sya guhitan at barnisan
Tumulong ako sa pagliha lang
Natakot si asawa na ako ang magguhit
Baka daw masira, sayang at baka di pa umabot sa kasalan
Kaya pinagbigyan ko na
May point naman sya
Nang matapos na namin ang sing-kwenta
Naisip ko, dapat iba ang regalo para sa mga major sponsors nila
Kaya inalok ko na syempre iba naming paninda
Buti nagmamadali na
Kaya kung anong stocks namin
Yun na ang kanyang kinuha
Yan ang isa sa pitong kanilang binili
Ang saya ko syempre
Pinadagdag na lang kanilang pangalan
Para daw di nila makalimutan
Na sa kanila galing ang regalong yan
Ang saya ng ate nyong tindera
Tapos yung isa kong kapatid
Umuwi galing Saudi
Kasama mga tropa nyang matitindi
Bakit matindi?
Dahil nung makita mga keychain naming paninda
Sila ay nagsipag-order na
Pampasalubong daw nila
Aba, sino ba naman ako para tumanggi sa grasya
Back to back orders ika nga
O di ba andami nila
Noong una nahiya pa yung isa
Pero sumunod na araw
Listahan ng pangalan ay kanyang inabot na din nya
Kaya eto naman ang kanya
Nakakapagod, nakakangalay
Pero ayos lang
Maganda nga yan
Kahit pano kumikitang kabuhayan.
O sya hanggang dito na lang muna
Antok ko ay di ko na kayang pigilan na.
...^•°...
All images are mine.
Apaka makata mo talaga hihi, hirap pa naman gumawa ng tula it takes time talaga na pag isipan yung bawat taludtud mahirap pag magkasing tunog yung mga nasa huling pantig talaga kaya napakaganda yung tula😊