Ngayong araw ay ika-123 anibersaryo ng ating kasarinlan, kalayaan
Mula sa mananakop na Espanya
Ipinaglaban ng ating mga kanunu-nunuan
Na syang lagi nating ginugunita, taon-taon na lang.
Pero ikaw ba kaibigan,
Malaya ka ba?
O ikaw ay nakakulong sa bakas ng kahapon
Na di mo mabaon sa limot dahil sa sakit na naidulot
Na pag naalala mo ay meron pa ding kurot
Na sa puso ay patuloy na tumutusok.
O baka naman ng pagkakataon o ng relasyon
Gaya ni Anton, di nya maiwan si Sharon
Dahil sila'y minsang nakalimot at nagkaroon ng cute na si Leon
Pero ang mahal nya talaga ay si Veron
Na matagal na nyang karelasyon
At nakatakda na ngang ikasal ngayong June.
O di kaya naman ay bihag tayo ng utang na patong-patong
Aruy, tinamaan naman ako dun!
Na bakit ba naman kasi ang sarap mamili noon
Kain dito, gastos doon
Na di na natin namalayan tayo na pala ay sa utang nabaon
Pero di bale, ito ang sure ko
Lapit na ko makalaya dun.☺️
O baka dahil sa obligasyon
Na dahil sa sobrang mahal mo ang iyong pamilya
Sarili mong kaligayahan ay naisantabi mo na
Pinipilit sabihin ayos lang pero sa loob ay di na pala
Na gustong-gusto mo ng kumawala
Pero nananaig ang iyong awa at pagmamahal sa kanila
Na di ka na umabot sa last trip
Ayan tumatanda ka ng dalaga.
Saan ka pa ba di malaya?
Mula kay crush na di ka nga natignan ni minsan sa mata?
Na ikaw ay dinadaan-daan lang at nakatutok sa daan
Sa mga politikong ang gagaling magsalita na pag nanalo ay nakakulong na sa kanilang mga tahanan
At kahit onting tulong ay di na tayo maambunan!
Sa mga tsismosang kapitbahay kaya?
Na di sila natutuwa pag nakikitang umaangat ka
Imbes na sabihin, deserve mo yan kasi nag-aral ka ng mabuti, masipag ka
Kaso ang tanong pa nila, san sya kumuha ng pera? Luh!
Di naman kaya, nakakulong ka dahil sa salang di mo naman ginawa
Kaso diniin ka kasi malakas ang kapit nila
Na kung magreklamo ka eh itutumba ka nila
Parang yung kapitbahay namin
Napagbintangang binaril nya ang kaibigan nya
Na kahit may witness ay di naman nagsalita
Sa takot na baka sila ang balikan nung mga totoong may pakana
At ang nakakungkot pa
Mga pulis na nag-imbestiga tinatakot sya
At pinipilit baguhin ang statement nya
Subalit mabait talaga ang Panginoon
Dahil sa result ng paraphin test, negative sya
Pero di pa din sya makalaya
Dahil sabi may hearing pa.
Andaming dahilan kung bakit di tayo malaya
O kung iisipin natin ay pwede naman kumawala
Pwede naman maayos at bukas ay okay na, malaya na
Pero sadya yata na minsan tayo ay masokista
Pinapahirapan natin mga sarili natin
Yun bang takot tayo na lumabas mula sa pagkakasadlak
Na ang kulungan naman pala ay walang kandado
Pero ayaw nating tumayo o sadyang napagod lang tayo
Na nag-iipon lang tayo ng sapat na lakas
Para tumayo, lumabas at maglakad
Maglakad palabas
Kung saan may nag-aabang na magandang bukas
Ang paligid ay maaliwalas.
Sana kaibigan, kung pakiramdam mo ikaw ay nakakulong
Sana ay makalaya ka na dyan sa lalonh madaling panahon
Nang tayo ay sabay-sabay ng aahon
At makamtan ang tunay na kalayaan na sa atin ay naaayon.
-Ang galing wala ko masabi, nakawala na ko Sis, ayaw lang tanggapin ng kulungan ko na nakalabas na ko hehe! ❤