Gusto ko magsulat!

2 9
Avatar for bbghitte
3 years ago

Di naman ako manunulat talaga

Nasanay ako na report lang aking ginagawa

Yung may format ba

At ilalatag na lang ang ilalaman nya.

Pero mula noong nakaraang taon

Nabigyan ako ng pagkakataon

Ibahagi ang aking onting kaalaman

At magbigay ng inspirasyon.

Pero di pala madali ang lahat

Madami ding hirap

Gaya ng anong magandang titulo

Anong magandang background photo

At anong isusulat ko?

Pero dahil mahilig talaga ako sa litrato

Sa mga ito ako humuhugot ng kwento

Tinititigan ko muna baka sakaling may pumasok na salita mula dito

Effective naman kaibigan.

Sa mga nasulat at isusulat ko

Mas komportable ako sa tulang kwento

Natutuwa kasi ako mag-isip ng mga salitang ang dulo ay magkakapareho

Para bang natetest ang aking boka-bolaryo

Minsan nauubusan na ng salita kaya tinatapos na lang, ewan ko kung napapansin mo☺️.

Sinusubukan ko mga mababaw lang, kahit pano kapupulutan ng aral at may laman din naman

At dahil ang anak ko ay natuto ng magbasa at magsulat

Gusto ko kapag ito'y kanyang nadaanan

Mabilis nya itong maintindihan

Ganun kasi ako, simpleng tao

Ayoko ng magulo at komplikado

Masakit kasi yun sa ulo

At nakakapangit pa kamo☺️.

Kaya pagpasensyahan nyo na kung mga kwento ko ay magulo

Di maganda ang pagkaka-arrange at feeling ko minsan lihis na sa topiko

Mag-aaral pa at magbabasa-basa ulit ako

Para naman ma-improve itong aking natututunang mahalin na talento

Bigyan nyo lang ako ng time mga kaibigan ko

Mahirap din kasi isabay ang pag-aalaga ng mga bata at pag-aaral

Ubos ang energy sa maghapong paghahabol at pagbubuhat.

Pero masaya talaga magsulat

Para bang nailalabas ko din ang mga hinaing, problema at aking mga natututunan

Ang saya sa aking kapaligiran, ng buhay at ng aking mga karanasan

Boring? May tama ka naman dyan😁.

O sya hanggang dito na lang

Babagsak na ang aking mata kaibigan

Salamat uli sa iyong pagdaan

Sana ay natapos mo namang basahin

Ang aking tulang kwento na naibahagi

Hanggang sa muli!

...^•°...

Lead image is mine.
#originalcontent #readcash #noisecash

2
$ 0.59
$ 0.54 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @bmjc98
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
3 years ago

Comments

Ang galing mo naman, kaibigan Gusto ko tuloy etong subukan Marunong naman ako kahit papano Di nga lang kasing galing mo

drops the mic 🤣🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

Heheh, salamat kaibigan😁

$ 0.00
3 years ago