Blangko
Utak ko ay pinilit iblangko
Ayaw mag-isip ng kahit ano o sino
Gusto ko lang pumikit
Kausapin ang sarili ko
Ano ba ang mga ginagawa ko
May patutunguhan ba ito
Ano bang ambag nito sa ngayon at bukas ko
Ng pamilya at ng mga taong nakakasalamuha ko
Nakakalula, nakakaluha
Ang blangkong isip na gusto ko
Ay biglang napuno
Daming mga bagay na pumasok
Ito pala mga ginagawa ko
Nakakatuwa din pala ano
May ambag naman pala kahit pano
Biglang tumahimik
Tila ba sa isip ko ay may nakikinig
Pilit kong pinakinggan ang tinig
Sabi sakin ako ay tumahimik at makinig
Tila ba isang tapik ng isang Amang sobra ang pag-ibig
Luha sa mata ko'y biglang bumalong
Di sa lungkot at hinagpis
Di dahil ako ay napagalitan at nasermunan
Kundi dahil sa labis na pagmamahal
Sabi Niya sakin, mahal kita
Wag kang mabahala, wag kang mag-alala
Sagot kita, ituloy mo lang ang iyong ginagawa
Gagabayan kita, aalalayan kita
Wag mo lang kakalimutan na sa lahat ng gagawin mo
Kasama mo AKO, andun AKO.
...^•°...
Sa lahat ng ating ginagawa wag nating kalimutang magbasa ng ating Bibliya
Andun ang sagot sa mga tanong natin, mga bakit list natin, mga paano ba natin.
Imbes na mag-Marites tayo sa buhay ng may buhay
I-Marites natin ang Buhay na Salita ni Lord
Yung blangkong isip natin gawin nating prodaktibo
Punuin natin ng mabubuting salita
Para ang ibabahagi din natin sa iba ay mabuti at maganda.
...^•°...
Salamat kaibigan at napadaan ka
Di man tayo magkakilala
Sana ay may napulot ka sa iyong nabasa.
Lead image is from Unsplash.
#originalcontent
#bbghitte