Anong ganap?

1 9
Avatar for bbghitte
2 years ago

Nag-umpisa na maghain ng kandidatura ang mga familiar na pangalan dito sa aming probinsya

Grabe, kaliwa't kanan Singson na

Governor, Vice-governor at Congressman

At may pag-uusap nang nagaganap ang magkatunggali

Pinapa-quit na yung isa o kung hindi man tatapatan daw ni Chavit ng times and fund ng kabila

Dahil sa tagal ko ng tao sa Ilocos sila ay dating magkakampi at magkapartido

Nagpapalitan lang sila ng pwesto para di mawala sa litrato

Pero ngayon, ang magkakakampi at magpapamilya sila na ang magkakatunggali

Di tuloy malaman kung show lang yun or seryoso sila para lang uminit pa lalo ang labanan

Pero itong isang malayong tito ko

May problema na agad pagkarinig nito

Sabi talo daw ang mga tao ngayong election kasi tapos na ang laban

Pag walang kalaban, ibig sabihin walang bilihan ng boto na magaganap

Which is sobrang laganap talaga dito

Iboto mo man sila o hindi may matatanggap ka talagang pera galing sa mga partido

Masiguro lang sa kanilang boto

Naalala ko nga nung nakaraang eleksyon

Mga sample ballot may kasamang kulay blue na color ng pera

At di lang sya iisa, kundi apat sila

Tinanggap namin kasi bigay naman tsaka pag di mo kukunin ibubulsa lang ng mga namumuno sa barangay

Kasi di naman nila alam kung sila talaga aming iboboto

Kaya di ko pa din masabi na nabili ang boto ko

Kasi inaral ko naman mga background ng mga tumakbo

Di ako nagbase lang sa iisang kulay at partido

Kundi tinignan ko din kung sila ay kwalipikado at talagang magsisilbi ng tapat at totoo

At ngayong pandemic, napatunayan ko na tama ako sa naging desisyon ko

Dahil kahit sinasabi nila na wala ng pera sa munisipyo

Mga bigay na ayuda at suporta ay tila ba sobra-sobra

Na kung ating ikumpara sa ibang lugar ay panalo din dito talaga.

Pero nakakatakot nga naman talaga na kung ang magiging basehan natin ng pagboto ay sa kung magkano ang matatanggap natin mula sa kanila

At di natin naiisip kung ito ba ay sapat na para ang kinabukasan ng ating mga anak ay sa ilalim ng pamumuno nila ipagkakatiwala

Mahalaga pa din na suriin natin ang ating mga puso

Magmatyag, magbasa at makibalita

Sa nangyayari sa mundo ngayon kailangan natin ng magaling na mamumuno

Di lang magaling as in matalino

Kundi magaling sa buhay, mabuti sa tao at may takot galawin ang pera ng bayan

Yung leader na di kailangan sumigaw at magmura para lang pakinggan sya

Ang leader na may puso para sa mga tao

Ang leader na uunahin ang mga nasasakupan nya kaysa sa sarili nyang bulsa.

Anyway, ano pa nga ba ang ganap ng isang kagaya kong dakilang ina

Kundi mag-alaga ng anak, turuan at makipaglaro sa kanya

Dahil kung hindi, hay naku tampo na yan panigurado

At baka masagot pa ko bigla ag sabihing cellphone ka kasi ng cellphone😁

...^•°...

Salamat sa pagbisita kaibigan

Sana ikaw ay may napulot naman.

Keep inspiring. Keep smiling.

Lead image is mine.
#orignalcontent

2
$ 0.05
$ 0.05 from @Bloghound
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments

Naku panagbubutos manen, sis. Lam na. Hehe

$ 0.00
2 years ago