Ang mga hilig ko

3 24
Avatar for bbghitte
2 years ago

Kung ako ay ikumpara mo

Sa mga nakasabayan ko

Masasabi mong anlayo na nila

Napag-iwanan na ako

Pero di ako apektado

Kasi yun ang choice ko

Di naman sa wala akong pangarap

Na ayos na ko sa kung anong meron ako ngayon

Ayoko lang magmadali

Gusto ko ienjoy kung anong meron ako

Gusto ko iimprove ang mga hilig at nakakahiligan ko

Gaya ng paggawa ng mga kwento

English man o Filipino

Di man ako kasing-husay ni ano

Eh ano naman, di naman contest ito😊

Yung pagkuha ko ng mga litrato

Na sobrang aking naging paborito

Araw-araw yun ang di mawala sa routine ko

Dahil nachachallenge ako dito

At napapasaya ako

Bonus na lang pag may pumuri sa mgq kaibigan at kakilala ko

Di lang kasi ako kumikita dito

Kundi nabibigyan nya ako ng ibang klaseng fulfillment na di ko nakukuha sa pakikipagchismisan kay mareng ano

O di naman kaya ay pagbrowse ng facebook at magcheck kung anong paninda ni ano, anong outfit ni ano at kung bagong kotse si ano

Sa totoo lang nabobore ako sa mga ganun

Mas gusto ko na lang mag-edit ng pictures

O di naman kaya ay mag-draft ng artikulo na kahit nitong mga nakaraan ay madalang ito.

Hilig ko din maghalaman

Dami ba nga nila, yung iba di ko na alam ang pangalan

Kaso di ko na maayos

Dahil nag-uulan at ang mga bagets eh gustong makigulo

Takot naman ako na baka malamok sila kaya wag na lang muna😊

Mahilig din ako sa mga bata

Bukod sa aking unica hija

Ako din nagtitingin sa pamangkin kong isa

Na sa edad nyang dalawa ay sobrang likot talaga

Kailngan bantayan ng maigi para iwas disgrasya

Madalas ako ang referee, tiga-saway at tiga-turo sa kanila

Nakakapagod pero masaya

Nakakastress pero magandang stress ba

Tanggal naman agad lalo pag may kasama ng lambing mula sa kanila.

...^β€’Β°...

Madami tayong hilig

Kanya-kanya, iba-iba

Ang importante tayo ay masaya

Wala tayong sinasaktan o nasasagasaan na iba

Kaya kaibigan, explore-explore lang

Wag mainggit kaninuman

Dahil ang time mo to shine ay paniguradong malapit na yan😊

Salamat sa pagbisita!

Lead image is mine.
#originalcontent

2
$ 1.76
$ 1.71 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @aj_u2
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments

Ako sa totoo Lang inggitera ako πŸ˜‚, at nakikipag chismisan din ako, nagsasabi NG Kung anong opinyon ko sa isang Tao .. di ko un maiiwasan Lalo na Kung kapansin pansin din. Pero di ko sinasabing Tama Yun ah. Pero minsan , ginagamit ko Yun para hinde ko pamarisan, para Alam ko Kung ano dapat ko iwasan.. sa inggit Naman, ginagamit ko Naman un Kung Sino dapat ko pamarisan .. although may times na kapag nagawa ko din, di pala masaya Kasi hinde pla ako Yun, pero atlist Alam ko na πŸ˜‚.

$ 0.00
2 years ago

Hehehe, naiistress ako sa mga ganun..

$ 0.00
2 years ago

Gets ko yan.. yung madaling mastress . Ako din nman pero hinde ko Kasi kinocompete.. pero nakakapagod. πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago