Ang hirap!
Ang hirap!
Talaga naman napakabigat na salita
Maaring mahirap magsulat, magmemorize, kumita, mag-aral, ang life, sa pera, sa trabaho at madami pang iba
Pero ang mas mahirap alam na nga nating mahirap lalo pa nating dinidibdib
Lalo pa nating pinapabigat
Na tila ba ayaw nating iahon ang sarili natin sa pagkakasadlak
Parang si ano, sabi nya andaming work halos di na sya makatayo
Pano ba naman lahat inaako
Kahit masakit na ang likod, paa'y puro kalyo
Hala sige pa din, feeling nya isa syang superhero
Sabay pagsapit ng gabi ayon puro na reklamo
O di kaya parang si isang kakilala ko
Paubos na nga ang pera
Ayon sige pa din, arya ng arya
Pag dumaan si aleng maghuhueteng
Yung natitira nyang sampong piso
Itinaya pa kamo!
Umaasang swertehin at manalo
Imbes na ipinambili na sana ng biscuit eh di nabusog pa sana tyan ni bunso
O si pareng kwan naman
Gusto daw makatulong sa misis
Pero di naman nakilos
Nakahilata maghapon
Ni basura nila di magawang itapon
Pag tinanong mo bakit di sya magtrabaho
Sabihin pa, gusto nya daw kaso nag-iisip pa kung ano
Halaa sya! Imbes na tumayo, kumilos at maghanap ng pagkakakitaan
Naubos oras kakaisip ng wala naman palang kasiguruhan
Ang malala pagcheck mo sa cellphone
Puro games naman ang laman!
Minsan talaga tayong mga tao
Tayo din gumagawa ng ating sakit ng ulo
May taong sobrang sipag na halos lahat ay inaakong gawin kahit di naman na kailangan
Kung tutuusin ay mabuti naman ang ganun
Kaso wag mo sagarin ang lakas mo
Na pati pagngiti ay di na masilayan sa mukha mo
Mas mahirap magkasakit lalo sa panahong ito
Ang 'ANG HIRAP' ay di naman talaga mahirap at mabigat kaibigan
Nasa pagdadala lang natin at kung pano natin ito tignan sa positibong paraan
Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang dalahin
Pero kung kaya naman balikan yung iba at unahin ang mas urgent ba
O kaya naman baka yung iba naman na akala mo pabigat ay di mo naman pala talaga problema o kaya pasuyo lang ba
Eh di iwan mo muna
Balikan mo na lang pag may oras pa
Wag mo pagsabay-sabayin kasi talagang babagsak ka
Mahahapo ka, mapapagod ka
Pahinga din, hinga din, kalmahan mo din
Wag mo ipilit dumilat pa at kumilos kung ang mata mo ay babagsak na
Wag mo ng labanan pa
Pagbigyan mo ang daing ng katawan mo.
Pero kung ikaw naman ay gaya nung isa
Ang problema nya lang ay ang ipapasok sa bibig nya
Kung may data pa ba sya o wala
Ni kumuha ng sariling pagkain ay di pa magawa
Na pag umasta ay pagod na pagod pa sya
Ay 'ANG HIRAP' kasama ang ganyan
Sarap dagukan at iwan!
Ang hirap ng buhay ay parte na talaga sa life
Di naman talaga natin ito matatakasan at matakbuhan
Kaya tignan natin, ayusin natin, pag-isipan natin
Sa dami ng problema sa mundo ngayon, covid, giyera, pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang bilihin
Wag na nating isama sa ating isipin bakit sila tumataas yung height ko hindi paš.
O sya, hanggang dito na lang
Dahil 'ANG HIRAP' ng panindigan
Ang topic na aking naumpisahan
Kaya hanggang dito na lang muna mga kaibiganš.
...^ā¢Ā°...
Salamat!
Lead image is mine.
#originalcontent
#bbghitte
Ang ganda naman po ng nalikha nyo, I'm a fan of poetry and honestly I like your work po napapangiti ako kasi at some pont habang binabasa ko may naiisip akong mga kakilala ko na may mga ganyan ugali haha, talagang ang hirap nga