Ang Aking Paraiso

0 8
Avatar for bbghitte
2 years ago

Sarap pagmasdan

Gintong kalangitan

At mapayapang karagatan

Nagningning, kumikislap

Tila ba nagsasabing bawal kumurap.

Araw-araw ko syang inaabangan

Kasama ng aking anak na kagandahan, syempre may pinagmanahan😁

Di nakakabagot, di nakakasawa

Tila ba isang magandang pelikula, inuulit-ulit pa.

Swerte at biyaya kung aking ituring

Tumira malapit sa karagatan

Kung saan aking laging nasisilayan

Pambihirang kagandahan.

...^•°...

Sa aking paglalakad kanina

Kasama ang mga bata

Ako ay nalungkot bigla

Dahil sa mga nakakakalat na namang mga basura

Yung iba mukhang inanod mula pa sa ibang lugar o probinsya

Ang iba naman ay tapon na naman ng mga ibang bumibisita

Na pag tinamaan ng sikat ng araw ay talaga naman masisilaw ka

Hindi sa ganda, pero sa dumi na taglay nila

Ang sakit sa damdaming nakikita

Na ang tinuturing mong paraiso ay dinudumihan at di inaalagaan ng iba

May mga nagmamalasakit pero bakit mas madami ang hindi

Mas lamang ang walang pakundangang mag-iwan na lang ng kanilang kalat

Siguro naisip nila may pupulot naman

May maglilinis naman siguro nyan

Yan ang masakit, dahil sa ganitong pag-iisip

Pano pag sa sampung tao na dumayo

Ganun ang perspektibo

Kawawa naman ang aking paraiso

Dinudumihan lang ito

Maganda, mapayapa, kalmado

Masarap dito, presko, babalik ako dito

Yan mga naririnig ko

Pero bakit kaya walang ganito

Bawal magtapon dito, pulutin nyo kalat nyo.

Di naman pwedeng araw-araw ay maglinis dito

Dahil syempre may iba pa akong inaaburido

Kung may pera lang siguro ako

Kukuha ako ng mga tao

Na tigalinis talaga ng coastal area dito

Kaso onti pa laman ng aking bangko

Siguro pag medyo maluwag-luwag na ang bulsa ko

Pag ang BCH ko na ay sampu😁

Kaso ni isa ay wala pa ko.

Kaya sa ngayon, gawin ko muna kung ano ang kaya ko

Magmulot ng basura kahit patatlo-tatlo

Ilayo sila sa dagat na sa mga isda at coral reefs ay makakasira

Ituloy lang ang adbokasiyang nasimulan ko

Nagbabakasakali na bukas makalawa

Mahihiya nang magtapon ng basura

Ang sinumang tatapak at bibisita

Sa lugar na sa akin ay nagpapaligaya

Sa lugar na kung aking tawagin ay PARAISO.

...^•°...

All images are mine.
#originalcontent

1
$ 1.66
$ 1.59 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bjorn
$ 0.02 from @charmingcherry08
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments