Akyat-baba

0 19
Avatar for bbghitte
2 years ago

Akyat baba sa aming hagdanan

Minsan paikot-ikot sa iba't ibang sulok

Habol, saway at inaaliw mga bata

Kakaibang ingay, minsan masaya minsan ay hindi na

Nakakaubos ng enerhiya

Pero ganun talaga, mga bata sila

Kailangan ng matinding pang-unawa

Na ang gusto lang nila ay maging masaya at ienjoy ang kanilang pagkabata.

Ayoko ng maging malungkot sa artikulo kong ito

Sa noise ay napost ko na kahit pano

Gusto ko na lang ilaan ito para maging positibo

Dahil nakausap ko na ang kapatid ko

Sabi nya bumubuti naman lagay ni baby

Ay sya na nagtest ng positive sa covid ay di naman daw binigyan ng gamot

Parang wala lang naman daw kaya self-medication sya; vitamins, fruits at iba pa

Kaya bawal ng magmukmok

Ibigay na natin yun sa mga lamok

O kaya dun sa mga nang-aamok

Smile lang at bukas makalawa okay na ang lahat

Dahil yun naman talaga ang ating dasal araw-araw, may covid o wala.

Mabalik tayo sa akyat-baba

Dahil yun ang peg namin mula pa kaninang umaga

Nakakapagod din pero bakit sa mga bata parang wala

Di ko na talaga maitatanggi, ako ay tumatanda na

Pero lavarn lang, dahil dun sila masaya

Laro dito, kalat doon

Tawanan dito, iyakan doon

Kain dito, tulog doon

Ganyan umikot ang araw namin

Masayang nakakapagod at nakakagutom din pala

Di ko na nga pinansin na tila ba ang sinat ko kanina ay nagbabadya

Dahil pag sinabi nilang baba, wala akong magagawa

Pag gusto nilang umakyat ay agad ko na lang pinagbibigyan para bawas iyakan.

Nakakaaliw naman din silang pagmasdan

Parang mga anghel na ang aamo ng mga mukha

Lalo ngayon sila ay nagsitulog na

At ako ay naiwang dilat pa

Nagpupumilit makatapos ng isang artikulo sana

Pero di ko na hahabaan

Gusto ko na ding magpahinga ng maaga

Dahil kailangan ko ng maraming enerhiya para masabayan ang mga batang aking mga kasama.

...^•°...

Hanggang dito na lang at salamat kaibigan at ikaw ay napadaan.

Maging safe palagi!

...^•°...

Lead image is from Unsplash.
#originalcontent

1
$ 1.22
$ 1.16 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bjorn
$ 0.01 from @charmingcherry08
Sponsors of bbghitte
empty
empty
empty
Avatar for bbghitte
2 years ago

Comments