resulta

0 24
Avatar for batanguenaVersion2.0
4 years ago

Sa di inaasahang pagkakataon nabuo ko muli ang aking munting hilig.Ang mga hilig na akala ko hindi ko na magagawa dahil sa mga prayoridad ko sa buhay.Ngayon nagkakaroon ako ng pagkakataon magawa ulit ito.Sa umpisa pa lang mahilig na ako sa pagseserbisyo sa mga tao.Nahiligan ko na ang makipag-usap at makipag-ugnayan sa ibat ibang klase ng tao,ibat ibang ugali at pananaw sa buhay.Isa na nga dito ay ang pagtitinda ng pagkaen.Mahilig ako makipag-usap or mag-alok ng tulong kaya parang ang gaan sa loob ko magbenta ng kung ano anu.Minsan na ako nakapagtrabho bilang isang crew sa isang maliit na food store.Ang food store na ito ay isang store kung saan nag-ooffer ng pangsamantalang pang-alis gutom sa nakakarami.Nagtrabaho ako sa isang maliit na burger store dito sa Maynila.Mahirap ang aking pinagdaanan training,marami dapat na tandaan at isaalang-alang.Makikitungo ka sa ibat ibang klase ng ugali ng tao.Madalas hindi maiiwasan ang hindi mo sila makasundo or hindi mo agad maibigay ang serbisyo kanilang kailangan pero nadoon ang mahaba pasensya na lage ko ginagamit para malampasan ko ang isang buong araw na sakripisyo.Dahil sa ganito uri ng serbisyo dito ko nakilala ang prayoridad ko sa buhay.Dito ako nabigyan ng pangalawang pagkakataon itama ang maling nagawa ko sa nakaraan.Sa pagseserbisyo sa ibang tao nakilala ko ang magbibigay halaga sa ginagawa ko.Ang nagiisang nag-ahon sa akin sa lungkot na aking kinsadlakan noon.At marahil sa pagtiyaga nya sa akin heto kami nanatiling hinaharap ang mga pagsubok na patuloy na dumarating sa amin.Ngayon bilang kami ay nanatiling magkasama nagagawa ko pa din mgserbisyo sa iba sa pamamagitan ng aking sideline habang ako ay isnag fulltime mom.Yun mga hilig ko lutuin ay malaya ko nagagawa sa tulong at suporta ng aking asawa.Sa ngayon kami ay maayos na namumuhay kasama ang aming mga anak at patuloy namin itinataguyod ang aming pamilya.Minsan na rin kami sinubok sa buhay pero mas pinili naming maging matatag para sa aming mga anak.at ito ang resulta napapagsabay ko ang pagiging madiskarteng nanay.Mahirap pero sulit ang pagod kapag nakikita mo ang serbisyo mo ay maayos.Hindi na alintana ang pagod na nadarama basta maipaabot mo ang iyong pinaghirapan sa iba na nagreresulta ng maganda.At dahil dito unti unti nagiging maayos ang aming pamumuhay.Nanatili kami buo at masaya sa kabila ng mga problema dumarating sa tulong at gabay ng Panginoon Diyos.

2
$ 0.00
Avatar for batanguenaVersion2.0
4 years ago

Comments