Maaring sa lahat ng katangian ng tao ito ang dapat na lage may taglay ka ang magkaroon ng mahaba pasensya.Ako bilang isang ina,ng dalawang sarili ko anak at 2 itinuturing ko din anak sapagkat anak ng aking naging asawa,ito lage ko baon,ang magpasensya.Simulat sapol na kami ay nagsama napakahirap ng aking simula.Adjustments at samot saring kwento pinagdaanan.Lahat ng hirap ay naranasan ko pagdidisiplina sa mga anak ko,pagaalaga pagaasikaso.Napakahirap maging ina at asawa lalot sa sitwasyon namin mayroong parang kuryente nagdidiklap sa aming pagsasama lalo na sa aking mga stepdaughters.Hindi kaila sa kanila taglay nila ang katigasan ng ulo at kawalang respeto sa akin.Sapagkat alam ko at nauunawaan ko na hindi nila agad matatanggap ang aming sitwasyon magasawa.Ako ang nagbibigay ng malawak na pangunawa at mahabang pasensya upang sa ganon ay maging maayos ang aming pamilya.
Minsan sa sobra hirap makisama umiiyak na lang ako sa sobra lungkot.Wala ako mapaglabasan ng sama ng loob sapagkat akoy sa probisnya lumaki.Nagtiyaga ako at magtiis para pagsumikapan ang maayos na pagpapalaki sa mga anak ko.Hindi maiaalis ang ang tampuhan at awayan sa aming pagsasama pero nanatili kami matatag para sa aming mga anak.Lahat ng pagsubok ay aming pinagdaanan,pagkakasakit ng anak,kawalan ng pera ,awayan ng pamilya.Pero di kami sumuko bagkus ginawa namin ito inspirasyon para bumangon at magsumikap sa buhay.Noon may mga bagay kame wla at hndi mabili pero dahil sa tiyaga nakakaya namen lahat ng problema dadating.Hindi man agad agad pero sa pagnanais na maabot ito,lage may mahaba pasensya nakaagapay sa pagkilos ng bawat isa upang makamit ang minimithi.