Isang di inaasahang pangyayare ang gumulantang sa lahat.Habang sila ay mahimbing na natutulog may matandang humihingi ng tulong na para bang siya ay pinapatay.Sa nangyare nagising ang isang lalaki para sana saklolohan ang nasabing matanda.Subalit natigilan ang lalaki at natulala sa kanya nakita.
Isa naglalagablab na apoy ang lumalamon sa kabahayan ng matanda.Sa pagkagulat bigla siya nahimasmasan at nagmamadali tumawag ng tulong,sigaw siya ng sigaw,tulong ,tulong tulungan ninyo kami.At nagising na lahat ng tao naninirahan sa lugar.Takbo dito takbo doon bitbit ang kani kanilang anak.Lahat ay humahagibis at nagmamadaling kumuha ng tubig upang masugpo ang apoy.Ang iba kanya kanya likas ng gamit at mga mahahalagang bagay na nasa loob ng bahay upang hindi tuluyang kainin ng apoy.
Di maikaila ang hinagpis at panghihinayang nila sa kanilang mga bahay na tuluyang nadamay sa malakas na apoy na kumakaen at patuloy na umuubos ng kanilang tahanan.Kitang kita ang bakas ng luha at lungkot sa bawat isa na walang nagawa kung di titigan at panoorin na lamang ang naaabo at natutupok na mga bahay.
Ang lahat ay patuloy na nagdadasal na sana wala na iba pa madamay sa nangyare aksidente.Sa hindi malaman dahilan ang lahat ay may natutunan aral.Laking pasasalamat nila sa Panginoong Diyos na wala ni isa man nasaktan at namatay sa sunog.Isang karanasang hindi malilimutan ang nangyare.Malaking aral ito sa bawat isa na pagibayuhin lage ang pagiingat sa araw araw.Dahil ang maari nito kunin lahat ng iyo pinaghirapan sa isang iglap lang.