Kung lilisanin ko ang mundo ay puno ng kalungkutan
Dala-dala ang hirap na siyang kinagisnan
Bawat tahakin hindi mo malaman
May bahid ng luha wala nang pagsidlan
Sa bawat araw na dumadaan
Laging naiisip paano malalampasan
Hirap ng buhay paano malulunasan
Wala makita sagot akoy naguguluhan
Sa aking isipan laging gumugulo
Ang dami tanong akoy sadyang nalilito
Di maipaliwanag ang daming anggulo
Di na mawari bakit ang buhay ay ganito
Walang ibang hiling sa bawat araw
Aking panalangin nawa ay matanaw
Sanay tuparin diyan sa mundong ibabaw
Huwag sana umabot sa aking pagpanaw
Hinagpis ng buhay ko aking ibinahagi
Ito ay dala nang hindi ako mapakali
Maraming umaasa sa aking sarili
Sa paglipas ng araw akoy nag-aatubili
Lahat ng hirap ay kaya ko tiisin
Huwag lamang ang akoy mamaliitin
Akoy naman may puso at saka may damdamin
Prinsipyo at dangal ko di kaya tibagin
Marami na karanasan ang aking napagdaanan
Puro pasakit at maraming kalungkutan
Subalit akoy pinagtibay ng kapighatian
Di ako susuko at di aatras sa laban
Maaring akoy dukha subalit matatag
Ang puso koy sa pagsisikap na di matitibag
Kahit madami pagsubok itoy ibabalibag
Hangad koy guminhawa ng wala bagabag
Aking panginoon aking uulitin
Ito aking kahilingan naway iyo dinggin
Munting panambitan sikaping tuparin
Upang hinagpis tuluyan ko ng limutin.