Darang

0 15

Sa pusot isipan ikay di mawaglit,

aking pagmamahal gustong ipilit

matamis mong uo gusto ko masungkit

sapagkat ikaw ay isa binibini napakarikit

Di ko sukat akalain akoy mahuhulog

isang kagaya mo sa puso koy nagpakabog

kahit pa sa magulang mo ako magpabugbog

wala pipigil sa puso kong umiirog

sa sandaling ikay nakilala

wala pagsidlan ang saya

ikaw bukambibig sa tuwina

lagi nakangiti sa mukha mong maganda

sa aking pagmamahal ikaw sana masiyahan

nagiinit nagaalab wala kapaliwanagan

di mapigilan ang sarili sa iyo harapan ikaw lage tinatangis nito isipan

akoy nanunuyo sapagkat akoy darang na sa pagmamahal

wala ako pakialam kahit ito bawal

sapagkat nanaig sa puso ko bukal

tanging ikaw lamang wala na iba pa aking mahal.

3
$ 0.00

Comments