Sa gitna ng pandemya akoy may napuna
Isang dalaga na puno ng lungkot ang mata
Hirap ipaliwanag ang sarili sa tuwina
Laging malungkot at laging balisa
Tuwing mamasdan ang kanya sarili
Tila may bumabagabag at di mapakali
Laging tulala at parang nag-aatubili
Gusto ko lapitan akoy magbabakasakali
Nang aking tanungin siya tulala pa rin
Di masabi ang nais sabihin
Tila nangangambang sya ay kutyain
Para bang takot ipadama ang kanyang damdamin
Wala siya nagawa sapagkat akoy mapilit
Wala ako sinayang para di maiwaglit
Nais niyang sabihin binitawang pilit
Kanya katahimikan lagi kong kinulit
Sa aking pagtatanong sya may binitawan
Tila nahihiya at ayaw manambitan
Gusto ilihim ang kanya nararamdaman
Ayaw ipaalam sa kahit na sinuman
May lihim na pagtingin sa kanya kaibigan
Di malaman kung siya ba papayagan
Ipakita at iparamdam sa kanya napupusuan
Pilit na pinipigil at ayaw subukan
Nang malaman ang kanya hinaing
Wala ako magawa kung hindi sundin
Ang kanyang kagustuhan na lagi daing
Gusto niya makasama sa kanyang piling
Wagas daw ang kanya pakay sa kanya iniibig
Puro pagmamahal na hindi malulupig
Ipaglalaban kahit sino pa mangibig
Dahil tunay at puro ang kanya pagibig
Tanging payo ko sa dalagang ito
Gawin ang gusto basta may plano
Huwag magmadali mag-enjoy lang ng husto
Di naman masama basta siya limitado
Laging tandaan na kahit sino
May karapatan magmahal huwag lang todo-todo
Baka mapasobra masaktan ng husto
Wala masisisi kung hindi sarili mismo
Pag-ibig naga naman pag umiral
Lahat hahamakin kahit na minsan bawal
Tanging masasabe huwag limutin ang pagaaral
Ito mas mahalaga dapat ito ang umiral