Balakid

0 6

Marami nangangarap ng kaginhawahan sa buhay.Lahat ay naghahangad ng tahimik at maayos na pamumuhay.Subalit paano ito makakamit kung napakaraming balakid sa iyong pag-ahon,sa iyong pag-angat at pag-asenso.Paano mo magagawa ang mga bagay na gusto mo kung sa pagtahak ng iyong daan ay maraming nakaambang balakid na mukhang makakapekto sa mga hakbang na iyong gagawin?

Sabe nga nila ang anumang bagay na iyo tatahakin ay lage may kaakibat na hirap at sakripisyo.Ang iyong mga minimithi sa buhay ay hindi mo maabot ng pangmadalian lang.Isang bagay na dapat lagi natin tatandaan walang imposible sa taong nagsisikap.Kahit ano hirap at pagod kung pursigido ka at may determinasyon sa iyong mga gagawin walang magagawa ang balakid na haharang sayo.

Minsan sa buhay naten dumadating tayo sa puntong pinanghihinaan na tayo ng loob,na para bang wala na tayo pag-asa makabangon.Pero lahat ng ito ay isang pagsubok sa ating katatagan.Lahat ay isang aral na dapat natin matutunan sa buhay.Ang lahat ng pagkakamali,pagbagsak at lahat ng nakaharang sa ating mga kilos ay gawin nating inspirasyon at motibasyon upang lalo pagbutihin ang ating mga ginagawa.Lalo tayo magsumikap para matupad lahat ng plano at balakin para sa kinabukasan.Matuto tayo huwag sumuko sa problema at panatilihin matatag sa kahit ano unos na dumating.Sabe nga nila nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.At dahil sa Panginoon, siya ang magbibigay ng pag-asa at paggabay sa tamang landas na ating pupuntahan.Dahil wala balakid sa taong magaling manalig!

1
$ 0.00

Comments